Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Neo De Padua, naging milyonaryo dahil sa supplementary food

HINDI lahat ng nilalang ay may kakambal na suwerte. Pero sa pinagdaanan ni Neo de Padua, hindi biro ang pinagdaanan niya na naging biktima muna ng stage 3 cancer bago naging milyonaryo.

Blessing in-disguise ang nangyari sa kanya dahil dito niya nakilala ang C24/7, isang food supplement na naging malaking tulong sa iniinda niyang karamdaman.

Ito ang naging daan niya para magnegosyo at ngayon ay isa na siyang certified millionaire.

Base sa pinagdaanan niya, naging motivational speaker siya sa ibang bansa para magbigay ng testimonya sa kanyang karamdaman.

Taga-showbiz si Neo na nagsimula sa pagiging talent scout at dumaan din sa pagiging ekstra. Aniya, noong nasa Kuwait siya ay nagustuhan ng isang Kuwait show producer ang estilo niya sa pagkanta kaya tinulungan siya nito para magpursige sa pagkanta.

Katatapos lang niyang mag-record ng first single, ang Ako’y Nangarap na available sa iTunes at ito ay prodyus ni hit-maker Vehnee Saturno.  Magkakaroon siya ng concert sa Music Museum, ang Miracle, Music and Love sa December 14, produce ng Big Eyes Events and Promotions. Maliban dito, magsisimula ang kanyang talk show sa Net25 sa Enero 2018, ang RYTS Rule Yourself To Success.

STARNEWS PLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …