Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
caloocan police NPD

Malapitan umalalay sa pulisya (Caloocan police, business as usual)

TULOY ang pagsisilbi at operasyon ng Caloocan City Police sa kabila nang pagkasunog ng main building ng headquarters nitong nakaraang Martes ng madaling-araw.

Ayon kay Caloocan Police chief, Senior Supt. Jemar Modequillo, “Hindi naman pupuwedeng huminto ang PNP sa trabaho. Business as usual tayo.”

Sa kabila nang malungkot na nangyari, sinabi niyang wala pang konklusiyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa pinagmulan ng apoy na sumiklab nitong Martes ng madaling-araw at tumupok sa ilang mahahalagang opisina gaya ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), Finance, Supply, Administrative at maging ang tanggapan ng mga mamamahayag.

Sinabi ng opisyal, una niyang iniutos ang paggamit sa mga bakanteng opisina ng kanilang multi-purpose building para sa mga tauhan nang nasunog na mga tanggapan.

Habang inilipat ang 102 inmates mula sa nasunog na Detention Center patungo sa bagong tayong Bagong Barrio Police Community Precinct.

Samantala, nangako si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na magbibigay ng 10 bagong computer sets para magamit ng mga tauhan ng pulisya, habang anim computers ang ipinangako ng Northern Police District (NPD). 

Humiling rin si Modequillo ng tulong sa Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry (PCCCI) na inaasahan niyang magbibigay rin ng computer sets.

“Nakalulungkot kasi pinag-aaralan namin ni Mayor Malapitan kung paano magkakaroon ng baril ang ating mga pulis pero nasunog pa ‘yung mga naka-stock na mga baril. ‘Yung armalites at shotgun puro tubo na lang,” dagdag ni Modequillo.

Ipinagpapasalamat umano niya na walang naging casualty sa insidenteng naganap habang nag-iinspeksiyon siya sa mga police station sa North Caloocan.

(JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …