Monday , December 23 2024

2nd batch ng drug rehab patients graduate na

NAGTAPOS na ang 2nd batch ng drug rehab patients ng Community Assisted Rehabilitation and Recovery of Out-patient Training System (CARROTS), isang programa ng Caloocan Anti-Drug Abuse Council (CADAC), sa pakikipagtulungan ng simbahan.

Malugod na binati ni Mayor Oscar Malapitan ang 107 nagsipagtapos sa gamutan at training mula sa tatlong “pods” o silungan ng surrenderees – Ang Our Lady of Lourdes sa Camarin, Our Lady of Lujan sa Bagong Barrio, at sa San Roque Parish sa A. Mabini.

Sinaksihan ang masayang pagtitipon ng mga pamilya ng drug rehab patients at nina Caloocan Bishop Pablo David, Vice Mayor Maca Asistio III, Caloocan Police chief Senior Supt. Jemar Modequillo, PDEA agent Joshua Arquero, former CHR Chairperson Etta Rozales, at mga barangay chairman ng lungsod.

Ayon kay Mayor Ma-lapitan, “hindi pa nagtatapos dito ang kanilang pagbabagong-buhay. Sa Caloocan, matapos ang kanilang graduation ay mayroong 10 buwan hanggang dalawang taon na ‘after care services’ upang tiyakin ang suporta ng pamilya at kanilang pagbabalik sa mainstream society, upang hindi na muling bumalik pa sa mapanirang bisyo.”

“Ang 107 nasa harapan natin ngayon ay su-nod-sunod na nag-negative sa resulta ng kanilang linggohang drug test. Ibig sabihin nito, kung may matibay na pagpapas-yang magbagong buhay ang pasyente… tiyak na gagaling sila mula sa pagka-adik sa masamang bisyo.

Congratulations sa inyo… isa na kayong produktibong kabahagi ng ating komunidad. Sana ay tuloy-tuloy ang inyong produktibong pagbabago,” dagdag ng alkalde.

Inaasahang mas marami ang magtatapos sa 3rd batch sa CARROTS rehab program dahil magiging anim na simbahan na ang kukupkop sa surrenderees.

Ang mga nadagdag na tatlong simbahan ay Sta. Quiteria Parish, Holy Cross Parish sa Amparo, at Sto. Niño Parish sa Bagong Silang.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *