Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

Caloocan City pinarangalan ng PCCI

NAGING back-to-back ang pagkilala ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa Caloocan City bilang finalist sa Most Business Friendly Local Government Unit Award, noong 2016 at ngayong 2017.

Malaki ang naging parte nang pagdagsa ng mga negosyanteng namumuhunan sa pagbabago ng lungsod sa ilalim ng pamunuan ni Mayor Oscar Malapitan.

Nahikayat niya ang mga negosyanteng umalis noong nakaraang administrasyon upang bumalik muli at nadagdagan pa ng mga bago na nakita ang bilis ng pagproseso ng papeles sa pamahalaang lungsod.

Ang business permit and licensing office ay may one-stop shop na mabilis na naipo-proseso ang kanilang mga dokumento basta’t kompleto.

Nanatiling halos pareho ang kanilang buwis. May buwanang job fairs para madali ang recruitment ng mga empleyado, mabilis at epektibo ang proseso ng building permits at transfer tax (bentahan ng lupa).

Maging ang ilang kagamitan ng mga pulis ay suportado ng pamahalaang lungsod upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng paligid.

Ang trapiko ay maayos, maliban lamang sa pagbagal ng daloy ng ilang mga sasakyan sa mga katabing-lungsod.

Nasa oras ang paghahakot ng basura, disiplinado at masisipag ang mga manggagawa ng Caloocan, ayon sa PCCI. (JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …