ANG “familiarity” ang nakikitang solusyon ng pamahalaang lungsod at pamunuan ng Caloocan City police, kaya’t ipa-partner ang mga bagong talagang pulis sa mga opisyal ng barangay sa kanilang paglaban sa kriminalidad partikular sa ilegal na droga.
Sinabi ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo, batid nila ang problemang ito dahil pawang mga baguhan o mga Police Officer 1 na ang mga pulis na nakatalaga sa lungsod makaraang sibakin ang dating puwersa ngunit wala silang magagawa kundi ipagpatuloy ang mandato na panatilihin ang katahimikan at labanan ang kriminalidad sa lungsod.
Dahil dito, ipatutupad niya ang programang “Pulis sa Barangay” (PSB), na magiging mahigpit ang ugna-yan ng mga bagong pulis sa mga opisyal ng barangay na kabisado ang mga lugar at tukoy ang antas ng kriminalidad.
Sa paraang ito, unti-un-ting makakabisado ng mga bagong pulis ang kanilang mga “patrol beat” at mas e-pektibong malalabanan ang krimen.
(JUN DAVID)