Monday , December 23 2024
caloocan police NPD

Retraining sa 1,143 Caloocan cops sinimulan na

SINIMULAN na ang retraining kahapon sa 1, 143 pulis Caloocan  sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, na tinanggal sa puwesto makaraan ang sunod-sunod na kontrobersiyang kanilang kinasangkutan.

Ayon kay Chief Insp. Kimberly Molitas, Public Information Office chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO), tatagal ang nasabing retraining ng 30 hanggang 45 araw.

Sila ay muling isasalang sa physical training, spiritual at skills enhancement, at iba pang refresher course na pangungunahan ng Special Action Force (SAF).

Matapos ang nasabing retraining, muling itatalaga ang mga pulis sa iba’t ibang police stations sa Metro Manila, ngunit hindi na sila itatalaga sa Caloocan Police Station.

Nag-ugat ang pagsibak ni NCRPO chief, Director Oscar Albayalde sa buong puwersa ng Caloocan police dahil sa sunod-sunod na kontobersiyang kinasangkutan ng mga pulis, kabilang ang pagpatay sa binatiyong sina si Kian Loyd Delos Santos, 17; Carl Angelo Arnaiz, 19, Reynaldo de Guzman, at ang panloloob sa bahay ng isang ginang ng 13 bagitong pulis na nakuhaan ng CCTV camera.

(JUN DAVID/ROMMEL SALES)



About Jun David

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *