Monday , December 23 2024

Curfew sa Navotas pinigil

SINUSPENDI sa lungsod ng Navotas kahapon ang implementasyon ng curfew sa mga kabataan bilang pagsunod sa inilabas na temporary restraining order ng Supreme Court na nagsabing labag sa Constitution ang lokal na curfew ordinance.

Ayon kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco, hiniling niya sa kanilang Sangguniang Panlungsod na bumalangkas ng bagong ordinansa patungkol sa curfew base sa mga panuntunan na nais ng Korte Suprema.

“Iginagalang ng pamahalaang lungsod ang desisyon ng Korte Suprema. Sa tulong at suporta ng ating Sangguniang Panlungsod, gagawa tayo ng panibagong curfew ordinance na alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema,” ayon kay Tiangco.

Sa kabila ng suspensiyon, determinado ang pamahalaang lokal sa tulong ng Navotas City Police na siguruhing ligtas ang mga taga-Navotas lalo ang mga kabataan sa ano mang kapahamakan.

Matatandaan, ibinasura ng Korte Suprema ang Pambayang Ordinansa Blg. 99-02 na inamiyendahan ng Pambansang Ordinansa Blg. 2002-03 ng Lungsod ng Navotas dahil umano sa pagsikil sa mga pangunahing karapatan ng kabataan partikular sa paglalakbay alinsunod sa nilalaman ng Section 6 Article III ng Konstitusyon. Tinukoy ng korte ang pagpigil ng curfew ordinance sa karapatan ng mga kabataan na dumalo sa mga lehitimong non-school o non-church activities sa mga kalsada at pagbabawal na makadalo sila sa mga tradisyonal na aktibidad panrelihiyon tulad ng Simbang Gabi na walang kasamang matanda.

Nag-ugat ang desisyon ng Korte sa petisyon ng grupong-kabataan na SPARK, na iginiit na unconstitutional ang curfew ordinance sa Navotas, Maynila at Quezon City dahil sa pagiging arbitrary at discriminatory nito, kaya dapat ideklarang ilegal ang mga ordinansa ng Navotas at Maynila habang legal ang sa Quezon City.

(JUN DAVID)



About Jun David

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *