Monday , December 23 2024

100 bata nasagip sa malnutrisyon (Sa Navotas City)

Sa 104 batang may pinakamalalang kaso ng malnutrisyon, 100 ang napagaling ng Navotas City Nutrition Office.

Base sa datos, sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco, nakapagtala sila noong Enero ng 104 bata na may edad 0-71 buwan sa katergoryang “severely wasted” na pinakamalala sa mga kaso ng severe acute malnutrition (SAM).

“Nasa bingit ng kamatayan ang mga batang may SAM kaya doble ang pagsisikap natin na maayos ang kanilang kalusugan at tuluyan silang gumaling,” ani Tiangco.

Sa tulong ng City Nutrition Office at Save the Children, naglatag ng serye ng mga supplemental feeding, regular checkup at evaluation sa mga pasyenteng apektado ng SAM.

“Ang malnutrisyon ay nananatiling isa sa malaking suliranin na kinakaharap ng ating bansa. Dito sa Navotas, bagama’t maliit na porsiyento lamang ng mga bata ang apektado, itinuturing pa rin natin itong sagabal sa hangarin nating maitaas ang antas ng kabuhayan ng mga Navoteño,” ani Tiangco.

Sa kabila nito, inatasan ni Tiangco ang mga health personnel na magbahay-bahay sa lungsod upang makatiyak na lahat ng bata ay nasa maayos na kalusugan sa kanilang lungsod.

Kamakailan, binuksan ang community-based management of acute malnutrition out-patient therapeutic centers sa Barangay North Bay Boulevard South sa District 1 at Brgy. San Roque sa District 2.

Nakatanggap din ang lungsod ng 50 kahon ng ready-to-use therapeutic food mula sa Department of Health.

(JUN DAVID)



About Jun David

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *