Tuesday , November 5 2024
caloocan police NPD

Caloocan best police station

BAGAMA’T nasasalang sa malaking kontrobersiya ang mga pulis Caloocan, binati ni Mayor Oscar Malapitan nitong Lunes ang mga pulis sa pagkakamit ng “Best Police Station in Metro Manila” award.

Ayon kay Malapitan, ang parangal ay ibinigay ng Department of the Interior and Local Government at ng National Capital Regional Police Office noong 22 Agosto sa kasagsagan ng kaso ng Grade 11 student na si Kian Delos Santos, 17, na kinasangkutan ng ilang mga pulis sa Caloocan.

“Malaki ang ibinaba ng krimen sa Caloocan City simula noong 2013 nang ako’y manungkulan. At sa tulong ng ating mga pulis (may) malaking kabawasan sa dating mga datos ng holdapan, snatching, akyat-bahay, riding-in-tandem, drugs, patayan at iba pang street crimes,” ayon sa mayor.

Tahasan umano ang kampanya laban sa kriminalidad na kanyang ipinatupad at mga programang inilatag gaya ng pagpapailaw sa madidilim na lugar, paglalagay ng mga police at barangay outpost sa mga peligrosong lugar, at pag-i-instila ng mga CCTV sa mga estratehikong bahagi ng bawat barangay. Kahit walang direktang kontrol ang pamahalaang lungsod sa lokal na pulisya, siniguro ng alkalde ang suporta sa pamamagitan ng pagkakaloob ng bagong patrol cars, motorsiklo, bisikleta at iba pang mga logistical support upang makatulong sa pagsugpo ng kriminalidad.

Mariin niyang kinokondena ang pagkawala ng buhay nina Kian at ng dating UP student na si Carl Angelo Arnaiz sa kamay ng Caloocan police.

Matatandaang si Kian ay binaril ng mga pulis sa dahilang nanlaban umano ang binatilyo sa mga awtoridad gabi ng 16 Agosto sa Brgy. 160.

Ang CCTV footage na galing sa barangay ang nagbigay daan upang mabisto ang kamalian ng mga pulis, ayon sa mayor.

Habang si Carl ay natagpuang patay sa isang madilim na lugar sa C3-Road sa siyudad. Ang kanyang labi ay nakita ng kanyang mga magulang sa isang morgue, 10 araw ang nakalipas simula nang siya ay umalis sa kanilang bahay sa Cainta, Rizal.

“Malungkot para sa akin ang dalawang magkasunod na insidente ng pagkamatay ng estudyanteng si Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz. Nagsilbi itong dagok at dungis sa reputasyong matagal na iningatan ng ating liderato sa Caloocan,” sabi ni Malapitan.

“Hindi ito ang klase ng peace and order na ating ipinamulat magmula nang mahalal tayo bilang alkalde. Bagama’t ang magkasunod na insidente na ikinamatay ng dalawang kabataan ay parehong nasa proseso ng hustisya, gusto ko pa rin bigyang-diin sa mga mamamayan ng lungsod na hindi ganito ang ating pamantayan sa pagpapatupad ng batas,” dagdag niya.

Sinigurado ng mayor na higit marami ang matitino at dedikado sa kanilang serbisyo, kaya’t patuloy niya umanong susuportahan ang mga pulis sa Caloocan, hangad lamang niya ang maayos na hanay nito. (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *