HINDI napigilan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mapaluha makaraan akusahan ang pulisya na inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang lahat ng mga adik at mga taong sangkot sa ilegal na droga.
Ayon kay dela Rosa walang kaatotohanan ang akusasyong ito laban sa Pangulo at sa pulisya.
Iginiit ni dela Rosa, kailanman ay hindi siya inutusan o kinausap ni Pangulong Duterte na pumatay ng taong sangkot sa ilegal na droga.
Binigyang-linaw ni dela Rosa, ginagawa ng mga pulis ang kanilang trabaho na hulihin at papanagutin ang sino mang taong lumalabag sa batas, maging sa ilegal na droga man o hindi.
Ngunit ani Dela Rosa, hindi siya konsintidor sasino mang pulis na lalabag sa karapatang pantao at aabuso sa kanilang tungkulin.
Sinabi ni dela Rosa, hindi rin sila dinidiktahan ng Pangulo ukol sa kanyang trabaho at tungkulin ng mga pulis.
Idinagdag ni Dela Rosa, trabaho ng mga pulis na hulihin ang sino mang lumalabag sa ating batas.
(NIÑO ACLAN)