Saturday , November 23 2024
Drug test

Valenzuela may tulong pinansiyal sa drug rehab graduate

MAY tulong pinansiyal na halagang P10,000 ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa mga dating nagumon sa ilegal na droga at ngayon ay magtatapos sa kanilang rehabilitation program sa Magalang, Pampanga, para sa kanilang panimula.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ang tulong pinansiyal ay upang makapag-umpisa ng panibagong buhay ang mga magsisipagtapos sa anim-buwan programang kanilang nilahukan makaraan sumuko sa ilalim ng “Oplan Tokhang.”

“Maliit na puhunan, ngunit malaking tulong na rin kung kanilang pagsusumikapang magbagong buhay, at magkaroon ng tuloy-tuloy na pakikipaglaban sa ilegal na droga,” ayon kay Gatchalian.

Hangad din ng alkalde na maibalik sa lipunan nang maayos at maging kapaki-pakinabang ang mga naging biktima ng droga.

Idaraan ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa pinakamahuhusay na kooperatiba sa lungsod na titiyak na magagamit nang tama ng mga benepisyado ang naturang salapi.

Kabilang sa mga kooperatiba ang San Isidro Labrador Parish Multi-Purpose Cooperative, Valenzuela Development Cooperative at Holy Cross Savings and Credit Cooperative.

Ang pagbibigay ng pera ay bahagi ng 18-buwan “after care program” ng pamahalaan at ng Valenzuela City Council Resolution No. 959 o ang “Drug Rehabilitation Graduates Productivity Program.”

Sa pamamagitan ng pagmimiyembro sa Tokhang surenderees, maaari silang makapag-loan sa mga kooperatiba nang mas malaking halaga.

Magsisilbing membership fee nila ang P5,000 sa ibinigay ng lokal na pamahalaan at ang natitirang P5,000 ay garantiya kung sakaling hindi makapagbayad sa tamang oras ang mga dating drug patient sa kanilang inutang na pera.

Ang naunang mga nabigyan ng tulong pinansiyal ay mga nakatapos sa drug rehabilitation program na muling nagpa-drug test at nagnegatibo sa ilegal na droga.

Hinihintay ng pamahalaang lungsod ang nasa higit 80 pang dating pasyente na hindi pa sumasailalim sa panibagong drug test upang mabatid kung hindi na bumalik sa kanilang mga dating bisyo.

Inatasan ng alkalde ang kanilang Public Employment Services Office (PESO) na tulungang mabigyan ng trabaho ang mga dating pasyente na mas piniling magkaroon ng trabaho kaysa livelihood packages. (JUN DAVID/ROMMEL SALES)

 

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *