IDINEKLARA ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na ang ahensiya ay isang corruption-free at illegal drug-free, sa presensiya mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte nang dumalo ang punong ehekutibo sa kanilang ika-23 anibersaryo nitong Miyerkoles ng gabi.
Ayon kay TESDA Director General Guiling Mamondiong, ang pag-dedeklara ng corruption at drug free sa kanyang pinamumunuang ahensiya ay isang paraan ng pagpapakita ng suporta sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa korupsiyon at ilegal na droga.
“We want the president and the whole country to know that TESDA fully upholds this administration’s stance against drugs and corruption. We will not to-lerate these cancers of society and will exert all efforts to help eradicate them,” sabi ni Mamondiong. Dumating ang Pangulo ilang minuto bago sinimulan ang palatuntunan. Isang maayos at simpleng programa ang idinaos sa multi-purpose covered court ng ahensiya.
Pagkaraan ay tinungo ni Duterte ang exhibit ng iba’t ibang training programs ng TESDA gaya ng cookery, carpentry, welding at iba pa.
Habang nag-ulat ang kalihim kay Pangulong Duterte sa mga naging “accomplishment” nito sa TESDA simula nang maitalaga noong nakalipas na taon.
(JUN DAVID)