Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, marami pang natuklasan kay Tito Alfie

MARAMING nagmamahal kay Judy Ann Santos ang nag-alala sa biglaang pagpanaw ni Alfie Lorenzo dahil unang nabalita noon ang pag-alis ng aktres sa poder ng kanyang manager at paglipas ng dalawang linggo o tatlo ay ang balitang pumanaw na ang dating manager dahil sa heart attack.

Agad namang nilinaw ng Bet On Your Baby host na nagkaayos na sila ni Tito Alfie bago ito pumanaw noong madaling araw ng Agosto 1. Inamin nitong mayroon na siyang peace of mind dahil natuldukan ang kanilang tampuhan as in, nagkapagpatawaran na sila bago ang nasabing pangyayari.

Aniya, normal lang na may tampuhan at masaya siya dahil nagkaayos sila bago namaalam ang talent manager. Alam ng lahat na siya ang namahala sa burol ng kanyang ‘ama’ at nang tanungin kung may ibinulong ba ito sa namatay bago ito na-cremate, ”Ibinulong ko, I forgive you, I’m sorry also.”



Matagal na palang napag-usapan ng mag-’ama’ ang tungkol sa final wish ng talent manager. Aniya, ”Very thankful and very grateful ako na at least hanggang sa huli ng kanyang sandali ay naibigay namin kung ano talaga ang gusto niya.”

Dagdag pa nito, mayroon siyang nadiskubre sa rati nitong manager na isa itong artist na ka-batch ng mahusay na pintor na si Malang. ”Sayang doon ako nanghinayang na hindi ko nakita ang kanyang work of art. Nitong nasa bahay na lang siya ay muli siyang nag-paint at hindi alam ng mga tao na rati siyang boksingero, itinanghal na Mr. Luzon. Basically, ‘Jack of all trades si Tito Alfie. Ang alam ng marami ay marami siyang nasaktan pero marami siyang natulungan dahil he has a big heart.”

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …