Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 dayuhan tiklo sa ATM skimming (Sa Pampanga)


NAGTAKIP ng kanilang mga mukha sina Radu Minodor Sandor, 43, Nicaraguan; Marcu Bogdan, 26, Italian, at Petro Iouan Uveges, 44, Romanian, hinihinalang mga miyembro ng ATM skimming syndicate, inaresto ng mga tauhan ni Supt. Roland Agohob, station commander ng San Fernando PNP. Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang P339,362.65 cash na kanilang na-withdraw mula sa Bank of the Philippine Islands (BPI) gamit ang 152 cloned ATM cards. (RAUL SUSCANO)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang tatlong dayuhan na hinihinalang mga miyembro ng international ATM skimming syndicate, habang nagwi-withdraw ng pera sa BPI ATM machine gamit ang ATM cloning device sa City of San Fernando, sa nabanggit na lalawigan, dakong 10:35 pm kamakalawa.

Ayon kay PRO3 director, C/Supt. Aaron Aquino, itinawag ng BPI employee ang insidente kaya agad nadakip ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Radu Minodor Sandor, 43, Nicaraguan; Marcu Bogdan, 26, Italian, at Petro Iouan Uveges, 44, Romanian, may misis na Filipina na si Michelle Trajano, at gumagamit ng Hungarian passport.

Nakompiska mula sa mga suspek ang P339,362.65 cash na kanilang na-withdraw mula sa BPI ATM machine, gamit ang 152 cloned ATM cards, at puting Toyota Wigo (VQ 8261).

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ng San Fernando PNP. (RAUL SUSCANO/LEONY AREVALO)


Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leony Arevalo

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …