Thursday , May 26 2022

Kolumnista, 1 pa, binoga sa tapat ng peryahan (Ilegal na sugalan binabanatan)

HINDI ambush kundi mala­pitang pinagbabaril sa loob ng kanyang sasakyan ang isang kolumnista at isa niyang kasama, ng sinabing ‘poste’ ng peryahan sa kainitan ng kanilang pag­tatalo, kamakalawa ng gabi, 20 Oktubre, sa Bgy. Cacu­tud, bayan ng Arayat, lala­wigan ng Pampanga.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Dale Soliba, hepe ng Arayat Police, sa tangga­pan ni P/Col. Jean Fajar­do, Pampa­nga Provincial Police direc­tor, kinilala ang mga biktimang sina Jupiter Gonzales, 52 anyos, residente sa 61-C Dela Fuente St., Sampa­loc, Maynila, na sinabing naitak­bo pa sa ospital ngunit hindi umabot nang buhay; at isang Christo­pher Tiongson, dead on the spot, matapos barilin sa kaliwang bahagi ng noo.

Si Gonzales, batay sa nakuhang identification cards ay reporter/kolum­nista ng pahayagang Remate at Bagong Toro.

Anang pulisya, kung pagbabatayan ang tama ng bala ni Gonzales, pina­nini­walaang ang bumaril ay nasa loob din ng sasak­yan sa kanyang likuran.

Pinaghahanap at naka­alerto na umano ang suspek na sinasabing ‘poste’ ng peryahan na kinilalang si Armando Maglaya Velasco, alyas Ambet, sinabing taga-San Rafael, Bulacan.

Base sa pagsisiyasat ni P/Cpl. Lawrence Perez, sakay ang dala­wang biktima ng Nissan Almera, may pla­kang AQA-8441, mina­maneho ni Gonzales.

Pagtapat sa peryahan sa Bgy. Cacutud sa naturang bayan, napansin na mainit ang nagtatalo ng sinasabing ‘poste’ ng peryahan na si alyas Ambet, at ng dalawang biktima na ikinagalit ng una kaya pinagbabaril sila ng kalibre .45 baril.

Sa ulat ng ilang taga-media, makikita sa isang closed circuit television (CCTV) camera kung pa­ano binaril sina Gonzales at ang kasama niyang si Tiongson.

Ayon sa National Union of Journalists in the Philip­pines (NUJP), kung mapapa­tunayang pinas­lang si Gonzales dahil sa kanyang trabaho, siya ang magiging ika-14 peryodistang pinatay sa ilalim ng Duterte ad-ministration at ang ika-187 mula noong 1986.

Naniniwala ang Pre­sidential Task Force on Media Security (PTFoMS), may kinala­man sa trabaho ang motibo sa pagpatay kay Gonzales.

Ayon kay PTFoMS exe­cutive director Joel Egco, “binabanatan kasi ni Jupiter ang mga ilegal na sugalan at peryahan sa lugar.”

ni LEONY AREVALO

 

About Leony Arevalo

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …

Leave a Reply