Saturday , August 13 2022

Write About Love, TBA’s entry sa 45th MMFF

 “WE are humbled and grateful to the MMFF Executive Committee for selecting our film. This makes us all very happy and we look forward to this year’s MMFF 2019 edition.” Ito ang tinuran ni Vincent Nebrida, presidente ng TBA Studios sa pagkakasama ng kanilang pelikulang Write About Love na pinagbibidahan nina Miles Ocampo, Rocco Nacino, Joem Bascon, at Yeng Constantino.

Ang pelikula ay isang romantic comedy at isa sa apat na pelikulang napili mula sa finished films na isinumite sa MMFF 2019 Official Entries.

Ay pelikula ay isinulat at idinirehe ni Crisanto B. Aquino na directorial debut niya at nilapatan ng musika ni Jerrold Tarog. Sina Fernando Ortigas, Eduardo A. Rocha at Nebrida ang executive producer.

“Write About Love is TBA Studios’ way of honoring the unsung heroes of filmmaking – the scriptwriters. This film is about how these talented individuals often create characters which turns out to be their alter egos,” ani Rocha, CEO & Executive Producer. “We believe that the most talented scriptwriters are here in the country and that Filipinos deserve a shot at global recognition.”

Mapapanood ang Write About Love sa Kapaskuhan, December 25, 2019 at ipinrodyus ito ng Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno Productions.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply