Saturday , November 23 2024
Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

Caloocan humakot ng parangal

 

PINASALAMATAN at binati ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang masisipag na mga tauhan ng iba’t ibang departmento at opisinang may partisipasyon sa pagtanggap ng pamahalaang lungsod ng mga pagkilala at parangal sa dalawang magkaibang sangay.

Isa sa parangal na ipinakaloob sa Caloocan ang “Seal of Child-Friendly Local Governance” na tinanggap ni Caloocan City Social Welfare and Development Office head Jan Christine Bagtas sa Muntinlupa Sports Complex.

Hinikayat ni Malapitan ang mga opisyal ng lungsod na ipagpatuloy at kung maaari ay dagdagan ang mga proyekto at programang magtataas sa antas ng pamumuhay ng mga bata at mga kabataan.

Binigyang pugay rin ni Ma-yor Malapitan ang partisipasyon ng mga miyembro at opisyales ng Caloocan Council for the Protection of Children.

Samantala, isa pang parangal ang hinakot ng Caloocan Public Employment Service Office ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) nang hirangin na first runner-up sa National Capital Region’s Search for 2016 BEST PESO. Isa ang Caloocan sa 16 na lungsod at munisipyo ng NCR na pinarangalan. Nakakuha ang Caloocan PESO ng 93 porsiyento sa overall rating.

Ang simpleng seremonya na pinangunahan ni Regional Director Johnson Cañete, ay ginanap sa Diaspora Farm, Bacolor, Pampanga. Ang parangal ay tinanggap ni LIRO head Violeta Yanga Gonzales.

Layon ng kompetisyon na parangalan ang kontribusyon ng PESO sa pagtulong sa mga naghahanap ng trabaho at iba pa nitong mga gawain patungkol sa mga programa ng paggawa (labor).

Maging si Mayor Malapitan ay ginawaran ng “Certificate of Recognition” para sa kanyang patuloy na pagsuporta at pagtupad sa mga pangako patungkol sa PESO. (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *