Friday , April 11 2025
GRACE POE/ MAY 28, 2014 Photo of Senator Grace Poe during her privilege speech at the Senate. CONTRIBUTED PHOTO BY JOSEPH VIDAL/ PRIB

Payo ni Poe sa MMDA: ‘Wag padalos-dalos sa expanded number coding scheme

PINAALALAHANAN ni Senadora Garce Poe and Metro Manila Development Authority (MMDA), na huwag magpadalos-dalos at kailangan maging mapanuri sa pagbibigay ng solusyon sa pagresolba sa suliranin sa trapiko sa kalakhang Maynila.

Ayon kay Poe, naiintindihan niya ang malaking hamon na kinakaharap ng MMDA sa pagresolba sa traffic problem sa Metro Manila, ngunit kailangan ang masusing pagpaplano.

Iginiit ni Poe, ang planong expanded number coding scheme ay kailangan pag-aralang mabuti at idaan sa malawakang konsultasyon sa mga apektadong sektor.  Ito ba ang pinaka-epektibong solusyon?  Ito ba ang kailangan natin? Hindi kaya mas marami ang mapeprehuwisyo nito kaysa ang matulungan?

Matatandaan, noong Disyembre lumutang na ang panukalang ito dahil sa inaasahang trapik sa pagpasok ng Pasko, ngunit tinutulan ng Metro Manila Council na binubuo ng 17 mayors sa Metro Manila.

Binigyang-diin ni Poe, gustuhin man natin ang mabilis na solusyon sa trapiko, hindi dapat ito “knee-jerk reaction” para sa kaginhawaan ng iilan.

“Tandaan sana natin na hindi pa gaanong maaasahan ang pampublikong transportasyon, at kung ipapatupad itong expanded number coding scheme, bibili lamang ng pangalawa o pangatlong kotse ang mga may kaya.

“Sana ‘wag namang gawing guinea pigs ang ating mga kababayan na laging ginagawang eksperimento,” ani Poe.

Inilinaw ni Poe, kaisa siya sa hangaring masolusyonan ang matinding suliranin sa traffic, lahat tayo ay biktima nito, kaya’t lahat ay dapat kabahagi sa solusyon na epektibo at kayang ipatupad nang tuloy-tuloy.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Vice Ganda George Royeca Angkasangga Partylist

Vice Ganda ‘napasagot’ ng Angkasangga Partylist

MARAMING partylist ang nanligaw para sa endorsement ni Unkabogable Star Vice Ganda, ngunit tinanggihan niya ang mga …

Vilma Santos

Batangas gov bet pinagpapaliwanag sa ‘laos’ remark laban kay Vilma 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY lang ang kampanya sa Batangas ni Vilma Santos–Recto kahit may nagsasabing laos na …

Bulacan Police PNP

‘Boy Tattoo’ tiklo sa gun ban

rapist, carnapper nasakote rin INARESTO ng pulisya ang isang lalaking lumabag sa Omnibus Election Code …

Shamcey Supsup Ara Mina

Shamcey kumalas sa partido; Ara tahimik

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGBITIW na rin si Shamcey Supsup-Lee bilang kapartido ng Kaya This sa Pasig City. Bunsod ito …

Vilma Santos

Plataporma ang ilatag at ‘di pambabatikos

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WALANG ipinagkaiba ang abogado na taga-Pasig kay Jay Ilagan ng Batangas na nanlait …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *