NAHAHARAP sa kasong tangkang panghahalay ang isang nagngangalang Ramon R. Navea III, service chief committee-A ng Senado, nang sampahan ng reklamo ng empleyado ng mataas na kapulungan na kinilalang si Atty. Niniveh B. Lao, sa Pasay City Prosecutor’s Office.
Batay sa sinum-paang salaysay ni Lao, makaraan siyang pansamantalang ma-detail sa committee department ng Senado mula sa kanyang orihinal na posis-yon sa Public Assistant Center (PAC), ilang beses siyang inimbitahan ng kanyang boss na si Navea para kumain sa labas ngunit palagi niyang tinatanggihan.
Noong 8 Mayo 2017, muli siyang inimbitahan ni Navea ngunit kanyang tinanggihan lalo na’t maghahanda pa siya sa pagsundo sa kanyang mga magulang mula sa Amerika. Ngunit sinabi ni Navea, hindi niya tatanggapin ang ano mang pagtutol sa kanyang imbitasyon.
Bunsod nito, walang nagawa si Lao kaya’t tinanggap ang imbitas-yon lalo na’t ang pangako sa kanya ay pag-uusapan nila ang tungkol sa kanyang trabaho sa komite.
Makaraan mag-dinner sa Alabang, nagpaalam na si Lao at si-nabing sasakay na lamang siya sa Uber. Ngunit bigla aniya siyang hinawakan ni Navea sa kamay at tatlong beses hinalikan.
Pagkaraan, nagpumilit aniya si Navea na ihatid siya sa kanilang bahay ngunit habang bumibiyahe ay ilang beses siyang tinangkang hipuan.
Laking gulat ni Lao nang biglang ipinasok ni Navea ang kotse sa isang parking garage. Nakiusap si Lao na pauwiin na siya ngunit pinababa siya ni Navea sa kotse at ipinasok sa isang kuwarto. Halos maiyak na si Lao sa pakikiusap kay Navea na pauwiin siya at na-ngakong hindi siya magsusumbong.
“Matapos po kaming makapasok ng kuwarto, akala ko ay hindi na ako makalalabas nang buhay doon lalo na’t first time ko ‘yun,” ani Lao sa kanyang sinumpaang salaysay.
Niyakap aniya siya nang mahigpit ni Navea at tinangkang halikan ngunit nagpumiglas siya. Naihiga aniya siya ni Navea sa kama ngunit biglang tumunog ang cellphone ni Lao.
Pumayag si Navea na sagutin ni Lao ang cellphone ngunit nagbantang huwag siyang magsu-sumbong at hindi siya papayag na lalabas silang hindi magkasama.
Sa tuwalya ay nakita umano ni Lao ang nakaimprentang Liza lodge at sa puntong iyon niya nabatid kung nasaan sila.
Inamin aniya ni Navea na matagal nang may gusto sa kanya ang lalaki kaya siya dinala sa nasabing lugar.
Bukod sa kasong tangkang rape ay naghain din ng kasong administratibo si Lao laban kay Navea ngunit wala pang aksiyon dito ang Senado, lalo ang hinggil sa suspensiyon kay Navea.
Napag-alaman ng Hataw, limang linggo na sa kamay ng nagnga-ngalang Renato Bantug, assistant deputy secretary on legislation, ang kaso ni Lao ngunit wala pang aksiyon. Nabatid din na si Bantug ang nag-aproba ng leave of absence ni Navea.
Si Bantog ang tuma-yong OIC at kapalit ni Deputy Secretary Atty. Edwin Bellen habang nasa ibang bansa huli.
Nang mabatid ng Senate Secretary ang reklamo ni Lao, agad iniutos ang imbestigasyon hinggil sa reklamo ng abogada.
(NIÑO ACLAN)