Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Special assistance sa sundalo, pulis hiling ni Angara (Sa operasyon sa Marawi)

MULING nanawagan si Senador Sonny Angara sa mga kasamahan sa Senado para sa agarang pagpasa ng kanyang  mga panukalang naglalayong pagkalooban ng espesyal na tulong pinansiyal at dagdag benepisyo ang mga kagawad ng pulisya at militar na nakatalaga ngayon sa Marawi City.

Panawagan ito ng senador dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa tropa ng gobyerno sa patuloy na pakikibakbakan sa tero-ristang grupong Maute.

Iniulat mula noong 23 Mayo, umaabot sa 58 katao sa hanay ng gob-yerno ang namatay sa sagupaan, 40 sa nasabing bilang ang mula sa Phi-lippine Army, 15 mula sa Philippine Marines, at tatlo mula sa Philippine National Police.

Nitong Biyernes, agad nalagas sa hanay ng Marines ang 13 sa kanilang mga kasamahan habang nagsasagawa ng clearing operations na tumagal ng 14 oras.

“Patuloy sa paglala ang gusot sa Marawi. Sa mga ganitong pagkaka-taon, ibigay naman sana ng gobyerno ang lahat ng maipaaabot nilang suporta sa mga kababayan na-ting sundalo na nagbubuwis ng buhay sa digmaan. Napakaraming nasawi. Nakikiramay po tayo sa kani-kanilang mga pamilya,” ani Angara.

Isa sa isinusulong na mga panukala ni Angara ang Senate Bill 1462 o ang Uniformed and Law Enforcement Personnel Special Financial Assistance Act, at SB 1463 o ang Uniformed and Law Enforcement Educational Assistance.

Layon ng SB 1462 na magkaloob ng special financial assistance na katumbas ng anim buwan sahod, kabilang ang allowances at mga bonus sa pamilya ng mga sundalo at pulis na namatay habang nasa digmaan.

Prayoridad din ng gobyerno na bigyan ng trabaho sa pamahalaan ang naulilang asawa o sino mang benepisaryo ng namatay na kagawad.

Habang nilalayon ng SB 1463, na awtomatikong isailalim sa scho-larship ang mga naulilang anak ng mga tropa ng gobyerno, mula kindergarten hanggang kolehiyo.

Kabilang sa mga sasagutin ng gobyerno ang matrikula, miscellaneous fees, pambayad ng libro, school supplies, at allowance para sa kanilang pagkain at pa-masahe. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …