Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PUVs ‘wag isama sa dagdag-buwis

AMINADO Si Senador Sonny Angara na tiyak na tataas ang presyo ng mga sasakyan at tataas ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan sa sandaling mapagtibay ang panukalang batas na panibagong dagdag na buwis.

Layon ng panukalang dagdag na buwis na bawasan ang mga sasakyan sa kalye at upang magkaroon ng solusyon sa trapiko.

“The government wants to reduce the number of vehicles on the road to address traffic congestion kaya tataasan nila ang buwis ng sasakyan. Kasabay nito, tataasan din nila ang buwis ng petrolyo na maaaring magresulta sa dagdag pasahe,” ani Angara.

Dahil dito, iminungkahi ni Angara na dapat ma-exempt ang mga public utility vehicles (PUVs) sa naturang panukalang batas.

Ayon kay Angara dapat isaalang-alang ang maliliit na manggagawa na direktang maaapektohan sakaling tuluyang tumaaas ang presyo ng mga sasakyan kasunod ng pasahe.

Bukod dito nanawagan at pinayohan ni Angara ang pamahalaan na agarin sa lalong madaling panahon ang kanilang programa sa transportasyon nang sa ganoon ay maging kapani-paniwala at mahikyata ang mga mamamayan sa dagdag na buwis.

Naniniwala si Angara na walang masama sa naturang panukala ngunit dapat isinaalang-alang ang magiging epekto nito sa kabuhayan ng bawat mamamayan.

“I think raising the auto excise is a good strategy but the government should provide the public an efficient, dependable, safe and affordable public transport system to encourage the people to take mass transit rather than use their own cars,” dagdag ni Angara, chairman ng  ways and means committee.

Kaugnay nito nanawagan si Angara sa pamahalaan na madaliin ang pagsasaayos ng serbisyo ng MRT at LRT nang sa ganoon ay hindi mahirapan ang mga pasahero at hindi maramdaman ang panukalang dagdag na buwis sakaling tuluyang magtagumpay maging isang batas.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …