Thursday , December 26 2024

“Plushie-making” ng Villar Sipag nakalilibang na kabuhayan pa

UMABOT sa 50 kababaihan mula sa National Housing Authority (NHA) relocation site sa Naic, Cavite ang lumahok sa plushie-making seminar na isinagawa ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG).

Sa naturang programa ay nakatakdang sanayin sa paggawa ng handmade plush toys at unan ang mga lumahok na dating Las Piñas informal settlers.

Ayon kay Senadora Cynthia Villar, director ng Villar SIPAG, ang pagtuturo ng livelihood ay isang oportunidad para sa mga ina ng tahanan dahil maaari  nilang gawin sa bahay ang naturang kabuhayan na makatutulong sa mga residenteng na-relocate.

“We want our women to benefit from these training programs so that they can earn without the need to leave their children behind or sacrifice their responsibilities as homemaker,” ani Villar.

Nakipagtulungan ang Villar SIPAG sa Higos Project  isang maliit na enterprise sa Naga City na naglalayong ibahagi ang kanilang kakayahan sa mga maybahay na walang hanapbuhay, out-of-school youth at mga samahang nagnanais mag-invest sa bagong livelihood na hindi nangangailangan ng malaking investments.

Tinaguriang plush toys ang handmade plushies na malalambot na unan o laruan at may kaaya-ayang disenyo.

Popular sa merkado sa kasalukuyan ang handmade plushies na maganda rin pangregalo at collection items sa mga bata at matatanda na maaaring ibenta sa abot-kayang halaga.

Tinatayang maibebenta ang isang produkto sa halagang P60 hanggang P350 depende sa laki at disenyo.

Nakapaloob din sa training ang demonstration ng trainers at hands-on activities at bawat kalahok ay pagkakalooban ng basic entrepreneurship development training, financial literacy at aral sa pagsisimula ng negosyo.

Matapos ang programa o training ay mag-uuwi ng kanya-kanyang business starters’ kit ang 50 kababaihang lumahok.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *