Friday , April 18 2025

Mungkahi ni Angara: Rehab sa sugarol gawing simple

LUBOG sa utang, napababayaan ang pamilya at madalas, nadadamay  pa ang ibang tao sa isang indibidwal na lulong sa bis-yo tulad ng sugal.

Ayon kay Senator Sonny Angara, ito ang dahilan kung bakit kailangang paigtingin ng mga awtoridad ang kaukulang mga hakbang laban sa pagkalulong sa sugal.

Nanawagan ang senador sa mga kinauukulan na bigyan nang nararapat na pansin ang lumalalang suliraning ito ng pamaya-nan. Reaksiyon ito ng senador kaugnay ng naganap na trahedya sa Resorts World Manila kamakailan na ikinamatay ng 38 katao, kabilang ang gunman na si Jessie Carlos, na nag-amok sa naturang establisiyemento.

Si Carlos ay napag-alaman isang gambling addict na nalubog sa utang dahil sa kanyang bisyo.

Ayon sa imbestigasyon, base sa National Database of Restricted Persons ng Pagcor, isa si Carlos sa 400 gambling addicts na may exclusion orders mula sa korporasyon. Ang exclusion order ay maaaring ihain ng mismong manunugal upang makaiwas  sa paglalaro o kaya ay pinakamalalapit niyang kaanak.

“Hindi sapat na nakalista lang sila sa mga taong hindi pinapapasok sa mga casino. Ang nararapat sa kanila, sumailalim sa psychological counseling at nauukol na gamutan. Kailangan silang ma-rehabilitate para malutas ang pagkagumon nila sa sugal,” ani Angara.

“Tulad ng rehabilitasyon sa mga kaso ng drug addiction, sa ganitong paraan din dapat isailalim ang mga adik sa sugal. Kai-langan nila ang therapy, medication at community intervention,” dagdag ni Angara, isa sa mga may akda ng Mental Health bill na inaprobahan ng Senado kamakailan. Sa kasalukuyan, upang maiwasan ang pagka-adik sa sugal at ang mga posibleng masamang epekto nito sa mga manlalaro, nagpapatupad ang Pagcor ng mga programang ang layunin ay gawing responsable ang isang manunugal.

Kabilang rito ang pagsasa-nay sa mga gaming employee na alamin kung sino sa mga manlalaro ang gumon sa sugal, pagpapakalat ng mga impormasyon ukol sa kung paano maiiwasang maging gambling addict, at 24 oras na “helplines” na aagapay sa mga manlalarong nangangailangan ng tulong mula sa mga dalubhasa.

Ayon kay Angara, dahil pa-sado na ang Mental Health bill, umaasa siyang mapapabilang ang gambling rehabilitation sa mental health services at mga programa ng gobyerno na may kinalaman dito.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *