Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angat chairman timbog sa pagdukot, pagsunog sa 2 tao

INARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa kanyang bahay ang  chairman ng Brgy. Pulong Yantok sa Angat, Bulacan, kahapon.

Idinadawit ang suspek na si Apolonio Marcelo sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Edeltrudes Tan, 59-anyos, at driver na si John Jason Ruyo.

Base sa imbestigasyon, papunta ang mga biktima sa poultry farm ni Tan noong 25 Marso nang sila ay dukutin.

Pagkaraan, natagpuan ang abandonadong sasakyan sa Norzagaray, Bulacan. May mga tama iyon ng bala at mga bakas ng dugo.

Ayon sa kaanak ni Tan, mag-iisang linggo ang lumipas nang may tumawag sa kanila at humihingi ng US$2 milyon, o katumbas ng halos P100 milyon, para matubos ang mga biktima.

Bunsod nito, dumulog ang mga kaanak sa PNP-Anti-Kidnapping Group.

Ngunit nagkaroon ng lead ang mga awtoridad nang sumuko ang isang nagpakilalang tauhan ni Marcelo.

Kuwento nang sumukong suspek, nasugatan ang mga biktima bunsod ng pamamaril habang sila ay dinudukot.

Binawian ng buhay ang mga biktima kaya sinunog ang kanilang bangkay at ibinaon sa lupang pag-aari mismo ni Marcelo.

Pinuntahan ng pulisya ang subdibisyon na pinagbaunan sa labi ng mga biktima. Natagpuan doon ang ilang bahagi ng katawan ng dalawang biktima.

Ayon sa pamilya ni Tan, may utang na P6 mil-yon sa kanila si Marcelo.

Mariing pinabulaanan ng suspek ang mga alegasyon. Giit ni Marcelo, ni minsan ay hindi siya nadawit sa ano mang kaso.

Bukod sa kasong pagdukot at pagpatay, nahaharap din sa kasong illegal possession of firearms si Marcelo dahil nakuha mula sa kanyang bahay ang mga hindi lisensiyadong baril.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …