Monday , December 23 2024

Emergency Skills Training Program sinimulan na ng TESDA

PORMAL nang sinimulan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang Emergency Skills Training Program (TESTP) na layuning makapagbigay ng kasanayan sa iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang ang nagsi-uwing Overseas Filipino Workers (OFWs).

Napag-alaman mula kay TESDA Director General Guiling Mamondiong, nitong 1 Mayo nang simulan ng naturang ahensiya ang pagtanggap ng aplikasyon mula sa mga gustong mapabilang sa TESTP.

Sa pamamagitan ng programang ito ay mabibigyan ng oportunidad ang mga mapapasama sa TESTP na magkaroon ng sapat na kasanayan na magagamit sa kanilang paghahanap ng maayos na pagkakakitaan.

Bukod sa OFWs, kabilang din sa mga mabibigyan ng prayoridad na mapasama sa naturang programa ay mga kaanak ng mga miyembro ng AFP at PNP na namatay at nasugatan sa labanan; mga pamilyang apektado ng kaguluhan; pamilya ng mga traffic enforcers ng MMDA; mga nagsisukong drug dependents at kanilang pamilya; informal settlers at iba pa.

Habang kabilang sa mga training na ipagkakaloob sa TESTP ay ang motorcycle/small engine servicing; prepare cold meals; solar lamps assembly; Nihonggo language; hilot (wellness massage); carpentry; process food by salting, curing and smoking at maintain and repair audio/video products.

Bukod sa libreng skills training ay ipagkakaloob din ng TESDA sa mga mapalad na mapabibilang sa naturang programa ang free assessment and certification, free starter kit at allowance sa kabuuan ng training program.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *