Saturday , November 16 2024

Libreng kolehiyo armas vs kahirapan at terorismo (Isang pirma na lang) — Sen. Bam

MAGANDANG balita sa mga nais makapagtapos ng kolehiyo!

Inianunsiyo ni Senator Bam Aquino na isang pirma na lang ang kailangan at maisasabatas na ang panukalang libreng edukasyon para sa lahat ng estudyante ng state universities and colleges (SUCs) at local universities and colle-ges (LUCs).

Ayon sa senador, inaprubahan na ng bicameral conference committee ang pinal na bersiyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Kapag naratipikahan ng dalawang sangay ng Kongreso ang pinal na bersiyon ng panukala, sinabi ni Sen. Bam na ito’y ipadadala sa Malacañang para sa pirma ni Pangulong Duterte.

“Ang panukalang ito ay napakalaking reporma para sa ating mga estudyante at kanilang mga magulang na nagsusumikap maitawid ang kanilang pag-aaral,” wika ni Sen. Bam, principal sponsor at co-author ng panukala sa Senado.

Bilang pangunahing sponsor at co-author nito sa Senado, pinasasalamatan niya ang lahat ng may-akda at tumulong sa pagpasa ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Ayon kay Sen. Bam, sa pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga estudyanteng Filipino, dapat isantabi ang politika at magtrabaho.

“Mas mahalaga ang edukasyon kaysa politika,” ayon kay Sen. Bam.

Sinimulan ni Sen. Bam ang pagsusulong ng panukala bilang chairman ng Committee on Education sa pagsisimula ng 17th Congress.

Kahit napalitan matapos ang walong buwan sa posisyon, ipinagpatuloy pa rin ni Sen. Bam ang pagtatanggol ng panukala sa debate at pagtatanong ng mga senador sa interpellation.

Si Sen. Bam ang co-chairman ng delegasyon ng Senado sa bicameral conference committee, kasama ang bagong Committee on Education chairman Sen. Francis Escudero. Ang iba pang miyembro ng Senate panel ay sina senators Sherwin Gatchalian at Ralph Recto.

Kapag nilagdaan ni Pangulong Duterte, libre na ang pag-aaral sa SUCs at LUCs sa buong bansa. Palalakasin din nito ang lahat ng Student Financial Assistance Programs (StuFAP) para sa mga estudyante na nais magtuloy ng kolehiyo sa pribadong uni-bersidad at matustusan ang iba pang gastos ng mga estudyante sa SUCs.

Sa tulong nito, tiwala si Sen. Bam na mabibigyan ng pagkakataon ang nangangailangang estudyante ng tsansang makapagtapos sa kolehiyo.

Sa magandang ki-nabukasan na hatid ng libreng edukasyon sa kolehiyo, hindi na kai-langan pang kumapit sa patalim at mahikayat na pumasok sa terorismo at iba pang aktibidad ang ating mahihirap na kababayan.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *