Saturday , November 16 2024

Martial law sa Mindanao suportado ng senado

TANGING si Senador Antonio Trillanes lamang ang senador na hayagang tumutol sa pagdedeklara ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Ayon kay Trillanes, batay sa impormasyong kanyang nakalap, walang dahilan para magdeklara ng batas militar si Pangulong Duterte.

Idinagdag ni Trillanes,  hindi hiningi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdedeklara ng batas militar.

Aniya, dapat ay sa Marawi lamang ideklara ang martial law kung talagang kailangan at hindi sa buong Mindanao.

Inakusahan ni Trillanes ang Pangulo na ikinokondisyon ang taong bayan dahil ang tunay na pakay ay pagdedeklara ng martial law sa buong bansa.

Samantala, nagpahayag ng suporta ang ilang mga senador sa naging hakbang ni Duterte, kabilang sina Senators Joel Villanueva, Sonny Angara, Chiz Escudero, JV Ejercito, Panfilo Lacson, Juan Miguel Zubiri, Franklin Drilon, Bam Aquino, Manny Pacquiao, Richard Gordon, Senadora Cynthia Villar,  at Nancy Binay.

Ngunit paalala ng mga senador, dapat isaalang-alang ang karapatang pantao at maging ang umiiral na batas.

Tinukoy ng mga senador, sa kabila na mayroong umiiral na martial law, nananatiling epektibo ang mga batas sa ilalim ng saligang batas.

Hinihintay ng mga senador ang ipadadalang report ni Duterte sa loob ng 48-oras hinggil sa dahilan ng kanyang deklarasyon.

Sa ilalim ng batas, may kapangyarihan ang Pangulo na magdeklara ng batas militar ngunit limitado ang kanyang kapangyarihan.

Dahil patuloy pa ring umiiral ang Writ of Habeas Corpus ay hindi maaaring ipatupad ang warrantless arrest.

Bukod dito, mayroong kapangyarihan ang Kongreso na bawasan o dagdagan ang period ng martial law, o limitahan ang sakop nito.

Kaugnay nito, nagkaroon ng caucus ang mga senador para talakayin ang naging hakbang ng Pangulo.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *