Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PH handa ba sa cyber attacks? — Sen. Bam

NAGHAIN ng resolusyon ang isang senador upang malaman kung handa ang Filipinas sa cyber attacks kasunod nang pag-atake ng ransomware sa mga computer sa 150 bansa sa buong mundo.

“We want to hear from the experts from government and also from our Pinoy tech firms on whether our country is prepared for these cyber attacks and what should be done prevent them,” wika ni Sen. Bam Aquino sa Senate Resolution No. 381.

“Cyber attacks are a real threat to Filipinos. We need to make sure that bank accounts, online passwords, personal information, and both private and public information systems are protected,” dagdag ni Sen. Bam, chairman ng Committee on Science and Technology.

Ayon sa mga ulat, ginamit sa cyber attack ang program na “WanaCryptor 2.0 o WannaCry” upang mapasok ang hindi bababa sa 300,000 computers sa buong mundo. Isinasara ng program ang files ng computer kapalit ng ransom. Kapag hindi nagbayad, tumataas ang ransom at kapag natapos ang countdown, lahat ng files ay nasisira.

Kabilang sa mga nabiktima ang FedEx, National Health Service ng Britain, Interior Ministry ng Russia, at ilang unibersidad sa China.

Kahit wala pang naiuulat na kaso ng ransomware sa bansa, nais ni Sen. Bam na tiyaking ligtas at protektado ang mga impormasyon at online systems ng mga Fi-lipino.

“Hindi tayo dapat mag-kompiyansa. Kailangan na-ting masiguro na ang bansa ay handa sa posibleng mangyari upang hindi maapektohan ang ating sistema sa ano mang pag-atake,” wika ni Sen. Bam.

Nais din ng resolusyon, na silipin ang pagpapatupad ng National Cybersecurity Plan 2022, kamakailan ay ini-anunsiyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Isa sa mga layunin ng National Cybersecurity Plan ang magtatag ng National Computer Emergency Response Team (NCERT), u-pang mabilis makatugon at makabangon ang pamahalaan sa cyber attacks.

Isinusulong ni Sen. Bam, co-author ng Free Internet Access in Public Places Act sa Senado, ang pagpapaganda ng kalidad ng internet sa bansa. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …