Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Utak’ ng pork barrel scam dapat ituro ni Napoles (Para maging state witness)

051217_FRONT
BINIGYANG-DIIN ni Senador Francis “Chiz” Escudero, hindi maaaring kunin bilang isang state witness agad-agad si pork barrel queen Janet Napoles kaugnay sa isyu ng Disbursement Acceleration Funds (DAF), na imbes mapunta sa mga makabuluhang proyekto ang naturang pondo ay napunta lamang sa bulsa ng ilang mga politiko at kanilang mga kasabwat.

Ayon kay Escudero, isa sa pangunahing dahilan para maaproba-han ang pagiging state witness ni Napoles ay kung makapagtuturo siya ng iba pang mastermind o mas mataas sa kanya upang maisakatuparan ang pandarambong sa  kaban ng bayan.

Bukod dito, sinabi ni Escudero, tila nabahiran na ang kredibilidad ni Napoles lalo na’t paiba-iba ang kanyang mga pahayag.

Tinukoy ni Escudero ang naging pahayag ni Napoles sa imbestigas-yon ng Senado na sinabi niyang wala siyang nalalaman, habang iba ang kanyang naging pahayag sa kanyang pagharap sa korte.

Dahil dito, sinabihan ni Escudero ang Department of Justice (DoJ), na pag-aralang mabuti ang balakin nitong kunin bilang state witness si Napoles.

ni NIÑO ACLAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …