PINAGPAPALIWA-NAG ni Senate President Koko Pimentel ang intelligence community ng pamahalaan kung bakit nalampasan o nalusutan sila ng dalawang magkasunod na pagpapasabog sa Quiapo, Maynila, na ikinamatay ng dalawa katao.
Kabilang sa mga nais na magpaliwanag ni Pimentel ay Armed Forces of the Philipiines (AFP), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang intelligence agency ng pamahalaan.
Ipinagtataka ni Pimentel na sa kabila ng naglalakihang mga pondong inilaan dito ng pa-mahalaan ay nalusutan sila ng dalawang magkasunod na pambobomba.
Sinabi ni Pimentel, hindi niya lubos maunawaan o maisip kung bakit nangyari ito at hindi natunugan ng pa-mahalaan.
Nais ni Pimentel na idetalye ng mga intelligence agency ng pamahalaan kung paano at kung saan-saan nila ginagastos ang pondong nakalaan sa kanila.
Nagbanta si Pimentel, sa sandaling humiling ng dagdag na pondo ang intelligence agency ay siya ang unang tututol o haharang dito hangga’t bigo silang maipaliwang ang kanilang paggastos sa kanilang pondo.
(NIÑO ACLAN)