ITINURO ni Senador Antonio Trillanes si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na dapat sisihin sa bigong appointment ni dating Environment Secretary Gina Lopez.
Sinabi ni Trillanes, dating miyembro ng Commission on Appointments (CA), na hindi siya naniniwala sa naging pahayag ng Pangulo na nanghihinayang siya kay Lopez makaraan hindi makompirma ng komisyon.
Ayon kay Trillanes, binobola lamang o maaaring pinaiikot at niloloko tayo ng Pangulo Duterte sa kanyang pahayag, dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na kung nais niyang makompirma si Lopez ay kayang-kayang niya itong gawin.
Tinukoy ni Trillanes, maaaring kausapin o tawagan ng Pangulo ang ilang miyembro ng komisyon upang mahikayat sila para sa kompirmasyon ni Lopez.
“I’m not buying it. Duterte fed Gina Lopez to the lions. Contrary to the impression that he is backing Lopez all the way, Duterte didn’t lift a finger to influence the House members of the CA, most of whom would’ve gladly obeyed his wishes. Would these congressmen openly defy Duterte and reject Lopez if they are sure that he really wants her to be confirmed? Of course, they won’t. Now, if Duterte is truly anti-mining as he claims to be, he should again appoint a known anti-mining advocate as Lopez’s replacement as DENR secretary,” ani Trillanes.
Kaugnay nito, nanindigan si Senador Panfilo “Ping” Lacson, na kanya nang tinukoy ang da-lawang basehan kung bakit hindi siya pumabor o bumoto kay Lopez. At naniniwala siyang hindi siya ang dapat tamaan o maging guilty sa pahayag ng Pangulo, na gumalaw ang “lobby money” kaya hindi na-kompirma si Lopez.
Inamin ni Lacson, bagama’t isa sa kanyang campaign contributor ay si Manny Zamora na kilalang kabilang sa mining industry, wala siyang kinalaman sa kanyang hindi pagpabor kay Lopez.
(NIÑO ACLAN)