UMABOT sa 30 guro ng child development centers at kindergarten on wheels ang sumailalim sa seminar at training sa pagsasagawa ng first aid sa gabay ng Navotas Health Emergency Management Office.
Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang kahalagahan ng may kaalaman at kasa-nayan sa pangunang lunas.
“Maaaring magkaroon ng brain damage ang isang tao pag walang oxygen na pumapasok sa kanyang katawan sa loob ng tatlong minuto. Kaya napaka-importante ng kaalaman at kasa-nayan sa first aid para makatulong sa pagsalba ng buhay,” aniya.
Lubos ang suporta ng pa-mahalaang lungsod sa mga gani-tong proyekto at adbokasya sa hangarin mas lalong maiangat ang antas ng kahandaan at pagiging alerto ng mga Navoteño, dagdag niya. (JUN DAVID)