
CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasakote ng mga operatiba ng Macabebe Police Anti-Drugs Enforcement Unit, ang dalawang drug surrenderee, na bumalik sa pagtutulak ng ilegal na droga.
Naaresto ng mga awtoridad sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA 3), ang mga suspek na sina Marjun Yanga y Mallari, 35, at Bryan Christian Bernabe y Isip, nasakote sa Brgy. Caduang Tete, Macabebe, kamakalawa mg gabi.
Nakompiskahan ang mga suspek ng walong plastic sachet ng shabu at dalawang piraso ng P500 marked money.
(LEONY AREVALO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com