Sunday , December 22 2024

Yasay sa DFA tuluyang ibinasura

TULUYAN nang ibinasura ang nominasyon para sa kompirmasyon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr., sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA), dahil sa pagsisinu-ngaling bilang US citizen.

Nabigo si Yasay na makombinsi ang mga miyembro ng komisyon sa kanyang rason, na kanyang tinanggihan ang naturang citizenship, at patunay ang kanyang pagliham sa Estados Unidos.

Mismong mga miyembro ng komisyon ang kanyang naging ka-laban dahil nagsisinunga-ling sa kanyang tunay na pagkakakilanlan, bilang isang Amerikano.

“Nagsinungaling siya (Yasay),” ani Cong. Edcel Lagman, sinegundahan ni Cong. Edgar Erice, aniya’y tungkulin ng CA na i-reject ang nominasyon.

Magugunitang inamin ni Yasay sa isang TV  interview nitong Lunes, na siya ay may US passport ngunit isinoli niya ito.

Sa isa pang TV interview nitong Martes, na-nindigan siyang siya’y isang Filipino, hindi nga lang legal, ngunit Filipino sa isip, salita at sa gawa.

Sinabi rin niya sa Senate media nitong Martes, hindi siya nagsinungaling sa CA.

Ngunit sa isang dokumento, nabatid na naging US citizen si Yasay noong 1986, at tinalikuran niya ito noong 1993 ngunit bigong mag-apply ng Philippine citizenship.

Habang sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, kung siya si Yasay, “babakantehin ko na ang kanyang puwesto at opisinang pinaglilingkuran dahil hindi siya kuwalipikado.”

Iginiit ni Lacson, maliwanag na isang panloloko ang ginagawa ni Yasay, dahil sa huwad niyang pagiging isang Filipino.

Samantala, ipagpapatuloy ang pagdinig sa nominasyon at kompirmasyon kay Enviroment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Ito ay dahil maraming oppositor ang kalihim at kapos ang oras para lahat ay matalakay.

Tanging dalawang oppositor ang nadidinig ng komisyon, at agad naisantabi makaraan makombinsi ni Lopez ang mga miyembro ng komisyon sa kanyang sagot, at paliwanag sa pagkuwestiyon sa kanyang kompirmasyon. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *