HINIKAYAT ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, na samantalahin ng mga residenteng kababaihan ang libreng health services gaya ng cervical screening at breast examination, isasagawa ng local health department sa buwan na ito.
Ayon kay Malapitan, ang naturang serbisyo ay gagawin sa buong buwan ng Marso, bilang selebras-yon sa Buwan ng Kababaihan sa buong mundo, may temang “WE (Women Empowerment) Change Work for Women”.
Isasagawa ang cervical screening at breast examination sa lahat ng 44 health centers sa Caloocan.
Magkakaroon din ng Usapang Pangkababaihan, gaganapin ngayong araw, 8 Marso, upang matugunan ang mga katanungan ng mga babae at pasyenteng may dinaramdam sa kanilang cervix at suso.
Samantala, inianunsyo ni Malapitan na magkakaroon ng mga klase ukol sa tuberculosis sa lahat ng 44 health centers sa siyudad.
(JUN DAVID)