BINIGYANG-DIIN ni Mayor Oscar Malapitan ang tuloy-tuloy na paglaban sa ilegal na droga sa Caloocan City, sa kanyang pakikipagpulong sa 188 punong barangay sa Buena Park, kamakailan.
Ang mga kapitan ang mga pinuno ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), kaya’t nakaatang sa kanilang balikat ang paglilinis sa ilegal na droga sa kanilang komunidad, sa pamamagitan ng ‘su-yod’ system.
Ito ang pagsuyod sa mga bahay at negosyo sa kanilang barangay, na walang nilalaktawan, upang makilala ang mga adik at tulak ng droga sa kanilang lugar.
Kasabay nito, hinimok ni Mayor Oca ang mga negosyante na magsagawa ng drug tests sa kanilang mga tauhan, upang matukoy kung sino ang mga lulong sa droga.
Inihayag ni Mayor Oca, nakatakdang ideklara sa susu-nod na linggo ang tatlong barangay sa Caloocan bilang “drug-free barangay.”
Nauna rito, idineklara ni Mayor Oca ang Caloocan City Hall bilang “drug-free” makaraan tanggalin sa trabaho at ipa-rehab ang mga nagpositibo sa drug test. (JUN DAVID)