Saturday , November 16 2024

Ex-NBP OIC Ragos dinala sa Munti RTC

DINALA at iniharap ng mga awtoridad sa Regional Trial Court, Branch 204 ng Muntinlupa City, kahapon, si dating Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Rafael Ragos, akusado sa kasong paglabag sa R.A. 9165, o illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Sumuko si Ragos kamakalawa kay NBI Deputy Director for Intelligence Sixto Burgos, bandang 10:00 am sa Quezon City.

Si Ragos ay kapwa akusado ni Senadora Leila De Lima, unang naaresto, at ang driver/ex-lover niyang si Ronnie Dayan, kaugnay sa illegal drugs.

Si De Lima ay nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City, habang si Dayan ay i-niutos ng korte na ipiit sa Muntinlupa City Police headquarters detention cell.

Samantala, pinayagan ng korte ang kahili-ngan ng abogado ni Ragos, na idetine siya sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila.

(MANNY ALCALA)

Aresto kinuwestiyon
TRO HIRIT
NI DE LIMA SA SC

NAGHAIN ang kampo ni Sen. Leila de Lima sa Supreme Court (SC) ng status quo ante order, kumukwestiyon sa legalidad ng pag-aresto at pagdetine sa senadora nitong Biyernes.

Pormal na naghain ng petisyon ang kampo ng senadora, sa pangunguna nina Atty. Alex Padilla at Atty. Philip Sawali, kahapon.

Sa 82-pahinang petition for certiorari, hiniling ng mga abogado ng senadora, na agad mag-isyu ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) sa proceedings at status quo ante order sa arrest warrant ni De Lima.

Muling iginiit ng senadora, ilegal ang paglabas ng arrest order, warrant of arrest, at commitment order na inisyu ni Judge Juanita Gurrero ng Muntinlupa Regional Trial Court, Branch 204, kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa senadora, hinggil sa ilegal na droga.

Sinabi ni De Lima, nagkaroon ng “grave abuse of discretion” sa desisyon na agad siyang arestohin, at nalabag ang kanyang constitutional, legal at procedural rights.

Dagdag ng senadora, bago ang pag-aresto ay naresolba muna dapat ang kanilang motion to quash na diringgin sana noong 24 Pebrero.

Muli ring iginiit ni De Lima, ang Sandiganba-yan o Ombudsman ang may hurisdiksiyon sa kaso, dahil nangyari ang mga ibinibintang sa kanya noong Department of Justice (DoJ) secretary pa siya sa administras-yong Aquino.

About Manny Alcala

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *