MAKARAAN arestohin ng mga awtoridad si Senadora Leila De Lima sa bisa ng warrant of arrest sa kinasasangkutang illegal drugs trade sa New Bilibid Prison, dinala siya kahapon sa sala ni Executive Judge Juanita T. Guerrero, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 204, ng Muntinlupa City.
Pasado 10:00 am nang dumating ang sinasakyang coaster van ni De Lima sa Muntinlupa Hall of Justice, kasama ang convoy ng mga umaresto sa kanya na mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), para iharap sa sala ni Judge Guerrero, at ibalik ang warrant of arrest sa korte.
Hindi nakaposas si De Lima nang dalhin sa korte, at may limang minuto lamang ang itinagal niya bago lumabas ng gusali, at muling sumakay sa van pabalik ng PNP Camp Crame, Quezon City, at doon ikinulong.
Kahapon Biyernes, nakatakda ang pagdinig sa “motion to quash” na inihain ng kampo ni De Lima hinggil sa kaso, ngunit ini-reset ito ng kor-te sa 10 Marso.
Nauna rito, mula sa Senado umuwi muna si De Lima sa kanyang bahay sa Parañaque City, ngunit nang matunugan na aarestohin siya ay nagpasyang bumalik sa Senado, at doon nagpalipas ng magdamag.
Kahapon ng umaga dinakip ng mga operatiba ng CIDG si De Lima sa Senado makaraan isilbi kanya ang warrant of arrest.
Naninidigan si De Lima na siya’y inosente at walang ginawang kasalanan dahil aniya’y kagagawan ito ng kampo ng administrasyon ni Presidente Duterte para ipakulong siya.
Samantala, naunang inaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest si Ronnie Dayan, sa kanilang probinsiya sa Urbiztondo, Pangasinan.
Iniharap si Dayan sa sala ni Judge Guerrero at iniutos ng korte na ikulong muna siya sa Muntinlupa Police detention cell.
Si Dayan ay dating driver-bodyguard at na-ging lover ng mambabatas, na isinasangkot din sa sinasabing sa illegal drugs trade sa Bureau of Corrections sa Muntinlupa, kasama ang dating offi-cer-in-charge ng BuCor na si Rafael Ragos, may warrant of arrest din na inilabas ng korte laban sa kanya.
ni MANNY ALCALA
ARESTO SA SENADORA
PATUNAY NG DEMOKRASYA
— PALASYO
MATAGUMPAY na nagningning ang batas nang arestohin kahapon si Sen. Leila de Lima, para panagutin sa kasong kriminal, at ito ang patunay na umiiral ang demokrasya sa Filipinas, ayon sa Palasyo.
“The majesty of the law shines triumphantly when a Senator of a Republic is arrested and detained on account of a criminal charge. Such is the working of a democracy,” sabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, kaugnay sa pagdakip kahapon kay De Lima sa kasong drug trafficking.
Aniya, ang pag-aresto kay De Lima ay nagpapakita na ipinatutupad sa kahit sinong indibiduwal, makapangyarihan man o ordinaryong mamamayan ang estado sa lipunan.
“The arrest of Senator De Lima shows that the law is enforced regardless of who is the subject of a warrant of arrest whether the person is holding a high position in the go-vernment or has an ordinary status in society,” dagdag niya.
Inilinaw ni Executive Secretary Salvador Medialdea, walang kulay politika ang pagdakip kay De Lima, at kasong kriminal ang isinampa laban sa senadora.
“Alam mo, it’s a cri-minal case filed against her. It’s not a political case na which was filed against her, ‘yun lang ‘yun,” ani Medialdea.
Giit ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang dapat ipa-ngamba si De Lima dahil tiniyak ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa, ang kanyang kaligtasan at seguridad sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
(ROSE NOVENARIO)
DE LIMA MANANATILING
SENADOR — KOKO
MANANATILING senador si Sen. Leila de Lima, kahit nakakulong na siya sa PNP Custodial Center.
Ayon kay Senate Pre-sident Koko Pimentel, gagampanan ni De Lima ang kanyang mga responsibilidad, habang nasa labas ng Senado.
Dagdag niya, maaari pa rin makapagpasa ng bills si De Lima habang nasa detention facility.
Hindi aniya puwedeng sabihin ni Pimentel, na huwag arestohin ang senadora dahil marami siyang responsibilidad, at hindi sila nangingibabaw sa batas.
Bago maaresto
LEILA, PNOY
NAGKAUSAP
NAGKAUSAP sina da-ting Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at Senator Leila de Lima kahapon ng umaga.
Ayon kay dating Usec. Renato Marfil, ang dating pangulo ang tumawag sa senadora u-pang magtanong ng ilang legal points sa kasong kinakaharap.
Tinanong aniya ni Noynoy kung may sasamang mga abogado kay De Lima, bagay na sina-got ng senadora na mayroon.
Kung maaalala, sina Aquino at De Lima ay magkaalyado sa Liberal Party.
Samantala, kinompirma ni Sen. Kiko Pangilinan, LP president, maging siya ay nakausap ng dating pangulo kahapon.
Ayon kay Pangilinan, “concern” ang dating presidente sa kalagayan ng senadora.
Nagbigay aniya siya ng updates sa sitwasyon sa Senado, at sa panga-ngalaga ng Office of Senate Sgt-at-Arms kay De Lima.
“Hindi kami nagtagal mag-usap, ang concern lang niya ay safety at security ni Senator Leila,” ani Sen. Pangilinan.