Saturday , November 16 2024

De Lima no bail (Arrest warrant inisyu ng Muntinlupa court)

022417_FRONT
WALANG piyansang inialok si Executive Judge Juanita T. Guerrero, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 204 ng Muntinlupa City, sa inisyu niyang warrant of arrest laban kay Senadora Leila De Lima kahapon ng hapon.

Inilabas ang warrant of arrest laban kay De Lima ni Executive Judge Guerrero, sa kasong paglabag sa “Section 5 (sale) in relation to Section 3 (jj trading), Section 26 (b ) and Section 28 or the cri-minal liability of government officials and employees of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasama rin sa ipinaaresto sina dating Bureau of Corrections (BuCor) head Rafael Ragos at dating lover-driver bodyguard ng mambabatas na si Ronnie Dayan.

Isinampa ng Department of Justice (DOJ) ang kaso laban kay De Lima nitong nakaraang Biyernes.

ni MANNY ALCALA (May kasamang ulat ni Jaja Garcia)

SENADORA NAGKAMALI
NG DISKARTE — AGUIRRE

TILA nagkamali ng diskarte si Senator Leila de Lima, at ang kanyang mga abogado kaya nakapagpalabas ng warrant of arrest si Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 Judge Juanita T. Guerrero.

Reaksiyon ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nang mabatid na nagpalabas na ng warrant of arrest ang korte.

“Kasi ang inihain niya motion to quash wala si-yang counter affidavit at iba pang ebidensiya na magdedepensa sa kanyang sarili, kung meron siya n’on baka naagapan pa niya ‘yung warrant of arrest, kasi ang sinabi niya agad hindi totoo ‘yung charges sa kanya,” ayon kay Aguirre.

 (LEONARD BASILIO)

LEILA KINARMA
— PALASYO

KINARMA si Sen. Leila de Lima, ayon sa Malacañang.

“The law of karma has finally caught up with the Senator in terms of being arrested and detained. She, however, remains constitutionally presumed innocent until proven guilty beyond a reasonable doubt, a presumption she viciously denied the critics of the previous administration,” pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Aniya, umiral ang “rule of law” sa paglabas ng korte ng warrant of arrest laban kay De Lima, sa kasong drug trafficking kahapon, hindi gaya nang ipadakip si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kahit walang “mandamiento de arresto” noong Nobyembre 2011.

Inilabas kahapon ang warrant of arrest laban kay De Lima ni Muntinlupa Regional Trial Court (Branch 204) Executive Judge Juanita T. Guerrero, sa kasong paglabag sa “Section 5 (sale) in relation to Section 3 (jj trading), Section 26 (b ) and Section 28 or the criminal liability of government officials and employees of Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Ani Panelo, umpisa na ng tunay na laban ni De Lima, at hindi sa media na ginagamit ng senadora laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“This is where the real battle begins and not in the media that she relishes to use against the President. The rule of law, as President Duterte keeps on harping every time he has the opportunity, must prevail. Unlike when she effected the arrest of former President GMA despite the absence of a criminal charge and a warrant of arrest, she will now be arrested and detained pursuant to a warrant of arrest issued by a competent court,” aniya.

Giit ni Panelo, ang paglabas ng warrant of arrest laban sa senadora ay nangangahulugan nakita ng korte na may probable cause, na maaaring ginawa ni De Lima ang krimen.

“The issuance of a warrant for the arrest of Senator de Lima means the issuing court finds probable cause that she may have probably committed the crime charged. She should welcome this development herself as she is now given the opportunity to refute any and all allegations and/or evidence to be presented by the prosecution against her,” dagdag ni Panelo.

Binibigyan aniya ng due process si De Lima na ipinagkait niya kay Arroyo noong justice secretary pa ang senadora.

“She is being given due process which she shamelessly denied former PGMA when she was Secretary of Justice,” wika ni Panelo.

Kasama sa ipinada-rakip ng hukuman ang dating lover, driver/bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan, at si da-ting National Bureau of Investigation (NBI) De-puty Director Rafael Ragos.

(ROSE NOVENARIO)

Habang hinihintay ang aresto
DE LIMA UMUWI
PARA MAGHANDA

TULOY ang laban.

Iginiit ito ni Senator Leila De Lima makaraang

lumabas ang warrant of arrest laban sa kanya.

Ayon sa senadora, hindi pa naisisiilbi ang warrant  of arrest kaya nais niya munang makauwi sa kanilang ta-hanan.

“Sa ngayon, wala pa sa aking isini-serve bagama’t kuwestiyonable ang pag-iisyu ng warrant of arrest  sa aki,” ani De Lima.

Dahil dito, nagpasiya ang Senadora na umuwi muna sa kanyang  bahay para makapiling muna ang kanyang pamilya.

“Gusto ko munang umuwi para makapiling ko muna ang aking pa-milya at maiayos ang mga kinakailangang dalhin sa kulungan,” paiyak na pahayag ng Senadora.

Nangako si De lima na muling babalik ngayong araw sa Senado para sa  pagsisilbi ng order of arrest  sa kanya.

Pinasalamatan ni De lima ang mga kasamahan sa Liberal Party (LP) sa kanilang suporta kabilang na sina senators Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Rizza Hontiveros at Bam Aquino.

Humihingi din ng dasal si De Lima sa publiko para sa kanyang ligtas na piitan.

“Sa inyong lahat, humihingi ako ng inyong dasal na sana  ay maging safe and secure ako saan man nila ako ikulong,” pahayag ng babaeng mambabatas.

Dagdag niya, bahala na ang kanyang mga abogado sa mga gagawin na hakbang sa kanyang kaso.

Walang bail na ibinigay ang korte sa kasong kinakaharap ni De Lima na pagkakasangkot sa ile-gal na droga.

(CYNTHIA MARTIN)

ARESTO SA SENADO
HINDI PUWEDE

IGINIIT ng abogado ni Sen. Leila de Lima, hindi maaaring arestohin ang senadora, habang nasa loob ng Senado.

Pahayag ito ni Atty. Alex Padilla, kasunod nang pagpapalabas ng arrest warrant ni Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204, may hawak sa criminal case 165, na inihain ng Department of Justice laban sa senadora.

Sinabi ni Padilla, hindi maaaring isilbi ang warrant of arrest, habang nasa Senado o sa loob pa ng opisina si De Lima.

Maaari lamang aniya itong gawin kapag nasa labas ang senadora, ngunit dapat munang mag-coordinate ang mga magsisilbi ng warrant of arrest sa opisina ni De Lima.

About Manny Alcala

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *