Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Psychopathic serial killer, mass murderer (Bansag kay Duterte ni De Lima)

TINAWAG na psychopathic serial killer ni Senadora Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay kasunod nang paglutang ni dating Davao Death Squad chief, Arturo Lascañas para ilantad ang kanyang panibagong rebelasyon nang patayan sa ilang personalidad sa Davao.

Ayon kay De Lima, bukod dito maituturing ding isang mass murderer ang Pangulo makaraan ang pag-amin ni Lascañas.

Bunsod nito, itinanong ni De Lima kung sakop pa ng presidential immunity ng pangulo ang kanyang ginawa noong siya ay alkalde pa ng Davao.

Sinabi ni De Lima, noong una pa lamang ay kanya nang inihayag ang naturang mga impormasyon ngunit imbes sagutin ng Pangulo ay niyurakan ang kanyang pagkatao, siniraan siya, at pati ang kanyang pribadong buhay ay hinalungkat.

Naniniwala si De Lima, maaaring gamitin ding ebidensiya ang testimonya ni Lascañas para sampahan ng impeachment complaint ang pangulo, at gayondin sa mga nagaganap na pagpasalang ng ilang mamamayan sa ating bansa.

(NIÑO ACLAN)

EJK HEARING
PINABUBUKSAN
SA SENADO

NAIS ng ilang mga senador na muling buksan ng Senado ang imbestigasyon sa extra judicial killings (EJK), ito ay kasunod nang paglutang ng dating lider ng Davao Death squad, na si SPO3 Arturo Lascañas, at binawi ang kanyang mga naunang pahayag sa Senado.

Ayon kina Senadora Grace Poe, Leila de Lima, at Senador Bam Aquino, ito ang tamang panahon para muling magsagawa ng imbestigasyon ang Senado.

Sinabi ni Poe, kaya pala hindi siya lumagda sa committee report dahil mayroon pang kulang sa nilalaman nito, at maaaring isa ang magiging pahayag ni Lascañas.

Habang pahayag ni Aquino, upang mapatunayan na patas ang Senado, nararapat na magkaroon ng pagdinig kaugnay sa panibagong pahayag at pagbubunyag ni Lascañas.

Samantala, naniniwala si De Lima, ito na marahil ang kanyang nauna pang sinasabi na talagang mayroong DDS at si  Duterte ang nasa likod ng mga EJK.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …