Sunday , April 27 2025

Andanar nakoryente, source ng info Meralco (Sa US$1K payoff) — Sotto

NAKORYENTE si Presidential Communication Chief Martin Andanar, sa kanyang source na sinuhulan ng halagang US$1,000 ang mga miyembro ng media, na nag-cover sa press conference ni dating SPO3 Arturo Lascañas, sinasabing hepe ng Davao Death Squad, nagbunyag na si dating Davao City Mayor at ngayon ay Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng pagpaslang sa ilang mga biktima nila sa naturang lungsod, kapalit ang halagang P20,000 hanggang P100,000.

Ayon kay Senador Vicente Sotto III, mukhang ang source ni Andanar ay Meralco, kaya siya nakoryente.

Habang sinabi ni Senador Bam Aquino, dapat ay maghinay-hinay si Andanar sa kanyang bibitiwang akusasyon lalo na’t hindi siya nakatitiyak sa impormasyong kanyang ihahayag.

Naniniwala ang dalawang mambabatas, hindi sa intelligence community ng pamahalaan galing ang kanyang impormasyon, kundi ito ay lumulusot lamang.

Aminado ang dalawang senador, pinanindigan na lamang ni Andanar ang kanyang pahayag, sa kabila na batid niyang palpak ang source ng impormasyong kanyang inilabas.

Ipinagtataka ng dalawang mambabatas ang kabiguan ni Andanar na humingi ng paumanhin sa mga miyembro ng media, sa kanyang maling akusasyon.

Lubha anilang nakadedesmaya ang paninindigan ni Andanar, gayong siya ay galing sa media, kaya hindi malayong isipin na maaaring uso sa kanyang panahon habang nagko-cover, ang lagayan kapalit ng isang balita.

(NIÑO ACLAN)

ANDANAR INILAGLAG NG AFP

INILAGLAG ng militar si Communications Secretary Martin Andanar nang ikaila ang pahayag niya na may mga pagkilos para pabagsakin ang administrasyong Duterte.

Sa press conference sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Edgard Arevalo, wala silang na-monitor na anomang pakana para patalsikin ang pamahalaang Duterte.

“Based on our monitoring, negative. We have not monitored any destabilization attempt that will be done on this government of President Duterte,” aniya.

Kamakalawa ay inihayag ni Andanar na bahagi ng pangmatagalang dramang politikal na may layunin na siraan si Pangulong Rodrigo Duterte at pabagsakin ang administrasyon ang pagsasangkot ni ret. SPO3 Arthur Lascañas sa Punong Ehekutibo sa extrajudicial killings sa Davao City na umano’y kagagawan ng Davao Death Squad.

May nag-alok pa aniya ng $1,000 suhol sa mga dumalo sa press conference ni Lascañas sa Senado na inalmahan ng Senate reporters na nagpunta sa okasyon.

“With regard to the pronouncement of Secretary Andanar, we may not have in possession any information yet which he might have access to,” sabi ni Arevalo.

Pinanindigan kahapon ni Andanar na ang $1,000 bribe offer sa press conference ni Lascañas ay batay sa “classified intelligence report” na kanyang natanggap.

(ROSE NOVENARIO)

About Niño Aclan

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *