SI Piolo Pascual talaga ang nagpakita ng interes na makapareha ang 1993 Miss Universe Dayanara Torres. Kung maaari nga ay gusto na niyang magsimula na sila ng pelikula na gagawin sa Star Cinema.
May mga nag-iisip na baka malinya ang aktor sa mga mature actresses dahil ang huli nitong nakatambal ay si Dawn Zulueta at ngayon ang dating Miss Universe na tulad ni Dawn na may anak na ang gustong makatrabaho.
Hindi kaya maapektuhan ang pelikula nitong ipalalabas pa lang na katambal si Yeng Santos? Tulad ngayon, pag-uusapan na ang susunod na movie ni Papa P and hopefully kay Ms. Yari.
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu