Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mayor Asistio pumanaw na

020717 Boy Asistio Jimmy Bagtas
PUMANAW na ang maalamat na alkalde ng Caloocan City na si Mayor Macario “Boy” Asistio Jr., (kanan), kasama niya sa larawan si Jaime “Jimmy” Bagtas (kaliwa), 13 taon niyang naging executive assistant sa kanyang panunungkulan.

PUMANAW na si dating Caloocan City Mayor Macario “Boy” Asistio, 80-anyos, nitong Lunes, dakong 10:55 am, makaraan ang halos isang linggong comatose.

Nitong 1 Pebrero, isinugod sa Metro Antipolo Hospital sa Infanta Highway, ang dating alkalde nang mahilo at sumuka, sinasabing mga sintomas ng mild stroke.

Sinikap i-revive ng mga doktor si Asistio, ngunit na-comatose ang alkalde.

Nitong Sabado, ayon kay Konsehala Aurora “Onet” Henson Jr., anak ni dating Cong. Aurora “Nene” Henson Sr., nakababatang kapatid ni Asistio, bumuti ang kalagayan ng kanyang tiyuhin, dahil nakahihinga na, sa bahagyang tulong ng respirator.

Kahapon ng umaga, nagkagulo ang mga kaanak ng dating mayor, nang matanggap ang ulat na siya ay pumanaw na.

Naging “makulay” ang buhay politika ni Asistio. nagsilbi siyang konsehal noong 1967. Naitalagang mayor nang panahon ni Marcos noong 1980 hanggang 1986. Muling naupo sa puwesto noong 1988 hanggang 1995.

Ayon sa dating executive assistant ni Asistio na si Jaime “Jimmy” Bagtas, “Sa loob ng 13 taon na ako’y nagsilbing executive assistant, nakita ko kung paano kang hinangaan ng iyong comstituents. Hindi matatawaran ang galing mo sa panunungkulan.You have been my confidante, barkada, best friend. It was an honor to have served a person with a genuine heart to serve ike you. You will always be the winner in our hearts. May you rest in peace in the hands of God.”

Naulila ni Asistio ang kanyang mga kinasama sa buhay, kabilang sina Nadia Montenegrom at Veronica Jones, 26 anak, mga kamag-anak at mga kaibigan.

Ang labi ni Asistio ay nakaburol sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth, Quezon City. Ang petsa ng libing ay hindi pa napag-uusapan ng mga kaanak.

(JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …