INAMIN ni Senate President Koko Pimentel, isa sa prayoridad ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang bigyan nang higit na pansin ang Charter Change (Cha-cha) o pag-amiyenda sa Saligang Batas.
Ayon kay Pimentel, nagkasundo sila ni House Speaker Pantaleon Alvarez na ano mang panukalang batas na nagrerekomenda sa pag-amiyenda sa saligang batas ay kanilang prayoridad.
Sinabi ni Pimentel, kanila itong pormal na irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gaganaping LEDAC sa Lunes.
Bukod sa Cha-cha, nagkasundo rin sina Pimentel at Alvarez na gawing prayoridad ang school feeding act, endo o pagwawakas sa kontraktuwalisas-yon, income tax reform, department of housing, coco levy trust fund, procurement act, state tax reforms, corporation code, free internet access, emergency powers para resolbahin ang suliranin sa trapiko, anti-hazing law, criminal investigation act, discrimination act, expansion of local absentee voting, social security act, free irrigation, free higher education act, refusal of hospital to administer medical treatment, free health insurance coverage for all, Philippine mental health act, anti-red act, public service act, system loss act, Philippine passport act, license act, family code, railways act, national ID system at iba pa.
(NIÑO ACLAN)