Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biktima ni Nina tutulungan ng TESDA

TUTULUNGAN ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga biktima ng Bagyong Nina upang muling makabangon sa kanilang masamang karanasan.

Ang mga naging biktima ng bagyo ay isasailalim sa community-based training program at training con production na ilalaan para mu-ling maitayo ang mga kabahayan.

Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong, kasalukuyan nang iniisa-isa ng mga tauhan ng ahensiya ang mga lugar na tinamaan ng Bagyong Nina partikular ang mga probinsiya ng Mindoro, Marinduque, Batangas, Catanduanes, Legaspi, Sorsogon, Albay, Camarines Sur at iba pang lugar sa Southern Tagalog.

Bukod aniya sa scholarship na ipagkakaloob ng TESDA bibigyan din ang mga residente ng community based training program, tuturuan sila ng mga pagkakakitaan base sa matatagpuang materyales sa kanilang paligid habang ang training con production ay karagdagang kaalaman kung paano muling maitatayo ang kanilang mga tahanan.

“Inaasahan natin na sa pamamagitan ng inisyatibo nating ito ay matulungan natin ang ating mga kababayan sa mga naturang lugar na makalimutan ang kanilang masamang karanasan at mas magiging madali din para sa kanila ang pagbangon,” ani Mamondiong.

Nakatakdang magtungo ang grupo ng TESDA sa mga naturang lugar sa pangu-nguna ni Mamondiong, u-pang alamin ang sinapit ng ating mga kababayan at kung ano pa ang maaaring maitulong bukod sa pagbibigay ng scholarship.

Makikipag-ugnayan ang TESDA sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mas mapadali ang pagkuha ng mga pangalan ng mga pamil-yang naapektohan ng Bagyong Nina.

Matatandaan, noong pagdiriwang ng Pasko ay nanalasa ang Bagyong Nina sa ilang probinsiya sa Southern Tagalog dahilan upang maging malungkot ang araw na dapat sana ay nagsasaya ang mga kababayan nating naninirahan sa mga nabanggit na lugar.

Kamakailan, naglaan si Mamondiong ng mahigit 100,000 scholarship na i-pagkakaloob sa mga kababayan nating naninirahan sa Bicol Region at ilang lugar sa Kabisayaan na makukuha ng mga benipisyaryo ngayong taon. Nanawagan si Mamondiong sa mga kababayan nating naninirahan sa mga naturang lugar na magtungo sa district at provincial office ng TESDA upang maipalista ang kanilang mga pangalan para mabigyan ng libreng pag-aaral o kaya ay bisitahin ang website www.tesda.gov.ph.

(JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …