Saturday , November 23 2024

Demolisyon sa ‘lumang palengke’ tinutulan ng vendors

NAGKAGULO ang mga miyembro ng Department of Public Safety and Traffic Management (DPSTM) at mga nagtitinda sa Langaray Market nang magsimula ang demolisyon para sa nabinbing pagsasaayos nitong Sabado.

Nagkasakitan ang magkabilang kampo, dahil sa pambabato at puwersahang pagsasara ng palengke sa pamamagitan ng paglalagay ng mga yero sa mga stalls ng nasabing palenge.

Dakong 8:00 am nang sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng mga babaeng vendor at mga tauhan ng DPSTM ng lungsod makaraan tanggalin nila ang mga yerong iniharang ng demolition team sa Langaray Public Market sa Langaray St., Brgy. 14 ng lungsod.

Bagamat, walang direktang pisikal na sakitan sa mga vendor at demolition team, nagdulot ng kaguluhan at ingay ang insidente dahil pinagpapalo ng mga manininda ang yerong ibinakod ng mga tauhan ng DPTSM.

Giit ng vendors, hindi sila tumututol sa pagtatayo ng bagong palengke ngunit nangangamba silang baka wala na silang babalikan pang puwesto.

Ayon sa pamahalaang lungsod, dalawang beses na umanong nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga manininda at ni Mayor Oscar Malapitan.

Ang pansamantalang pagpapasara ay upang magbigay-daan sa matagal nang nabinbin na pagtatayo ng moderno at malinis na Langaray Public Market and Commercial Center, para sa kapaka-nan ng mga manininda at mga mamimili, dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:

Una, iniulat ng City Health Department na unsanitary o marumi ang talipapa, malangaw at maipis, putikan tuwing umuulan, kaya mabilis na nakokontamina ang mga ibinebentang sariwang pagkain, na maaaring pagmulan ng sakit ng mga mamimili;

Ikalawa, ayon sa Office of the City Engineer, marupok at delikado ang mga itinayong estruktura at hindi kakayanin ang lindol o malakas na hangin. Ito ay napakadelikado sa mga tindera at mamimili;

Ikatlo, nagpalabas na rin ng Notice ang Office of the City Building Official na ilegal ang mga estrukturang itinayo ng mga tindera dahil hindi ito sumusunod sa building codes at delikado para sa mga mamamayan;

Ikaapat, ang lupain na kinatatayuan ng Langaray talipapa ay pag-aari ng Caloocan City Government—sa pamamagitan ng ng Deed of Donation ng National Housing Authority noong 17 Agosto 1994 — at naglaan na ang national government ng P80 milyong pondo para sa pagtatayo ng modernong palengke.

Ayon sa lokal na pa-mahalaan ang mga lehitimong manininda sa Langaray TYalipapa ay bibigyan ng kanilang puwesto sa bagong palengkeng itatayo.

Hindi rin umano sumasang-ayon na lisanin ng may 232 vendors ang kanilang mga puwesto sa kabila ng mga dialogo at pagtitipon para maipaliwanag sa mga manininda ang proseso at benepisyo nila sa bagong estruktura batay sa Sangguniang Panglungsod public hearing noong 5 Agosto 2016; dalawang pagpupulong ng vendors kay Mayor Oscar Malapitan noong A-gosto at Setyembre.

Samantala, ang nakatakdang pulong noong 19 Oktubre at 8 Nobyembre 8 ay hindi na sinipot ng mga vendors.

Maraming notices ang naipalabas ng lokal na pamahalaan upang lisanin ng mga manininda ang talipapa at lumipat sa mga temporary stalls. Maging ang final notice nitong 9 Disyembre ay hindi rin sinunod.

Dahilan upang isagawa ng mga miyembro ng DPSTM ang pagpapasara.

Na-dismiss sa Court of Appeals nitong 5 Disyembre ang petisyon ng mga manininda na kumukuwestiyon sa naturang proyekto ng lokal na pa-mahalaan. Ang mga nabanggit na isyu (pagrespeto at pagbibigay-daan sa mga karapatan ng vendors) ang  nagpa-delay nang halos apat (4) na buwan sa proyekto, at sila pangunahing dahilan kung bakit kinakailangan mailipat ang mga vendor sa temporary stalls na ipinatayo ng city government.

Ang bagong pamilihang bayan na itatayo ay may dalawang palapag na kayang latagan ng 193 stalls ang unang palapag at 254 stalls sa ikalawang palapag.

Ang bagong gusaling itatayo ay isang ligtas, malinis at maayos na pamilihang bayan, para sa matibay at ligtas na estruktura, malinis na ibinebentang mga pagkain, maayos at maaliwalas na kapaligiran.

( ROMMEL SALES / JUN DAVID )

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *