Saturday , November 16 2024
Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

Ika-153 araw ni Bonifacio pangungunahan ng Caloocan City

PANGUNGUNAHAN ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa pamumuno ni Mayor Oscar Malapitan, katuwang ang Cultural Affairs and Tourism Office (CATO), ang pagdiriwang sa ika-153 kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa kanyang bantayog ngayong araw.

Sisimulan ang pagdiriwang dakong 7:00 am at inaasahang dadaluhan ng libo-libong mga mag-aaral, residente, at lokal na mga empleyado ng lungsod.

Kabilang sa programa ang pagtataas ng watawat na pangungunahan nina Mayor Malapitan, Vice Mayor Macario Asistio, 1st District Rep. Edgar Erice, 2nd District Rep. Dale Gonzalo Malapitan, Northern Police District Director Robert Fajardo, mga kaanak ni Bonifacio at ilang representante ng National Historical Commission of the Philippines.

Susundan ito nang panunumpa sa watawat, panalangin, pag-aalay ng bulaklak, pagbasa ng 10 utos ni Bonifacio, pampasiglang bilang, pagbati ni Mayor Malapitan, at panunumpa ng 188 Barangay Tourism officers, isang samahan na bagong inilunsad ng CATO.

Kaalinsabay sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Bonifacio, isang photo contest ang maaaring salihan ng mga dadalo.  Ang bawat sasali ay maaari lamang magsumite ng isang larawan na kanilang kuha sa oras na idinaraos ang programa sa Bonifacio Monument Circle.

Isusumite ang entry o i-upload sa www.facebook.com/CATOcaloocan, dapat itong i-post sa Facebook timeline ng nagpadala at ilagay ang #Boni153 Caloocan.

Mga larawang may kulay (color photos) lamang tatanggapin. Madi-disqualify ang larawan na naka-sepia o black and white format.

Ang mga sumali at mapipili sa tatlong magagandang larawan ay mabibigyan ng gantimpalang, P5,000 para sa unang puwesto; P3,000 sa pangalawa at P2,000 sa pangatlong puwesto.

Ang mga mananalo ay kinakailangan dumalo sa pormal na pagbigay ng gantimpala ni Mayor Malapitan sa 12 Disyembre, sa flag-raising ceremony sa Caloocan City hall south.

( JUN DAVID )

About Jun David

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *