PINANGUNAHAN ng Dohle seafront crewing ang pagtalakay sa pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng mga seaman sa buong mundo kasunod ng mga ulat ng kidnapping sa ilang seaman gawa ng mga pirata.
Ayon kay President Cliff Davies, mahalagang malaman sa buong mundo kung paano matitiyak na napapangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng mga seaman habang sila ay nasa laot.
Dahil dito, isang symposium seminar ang isinagawa ng kompanya na dinaluhan ng iba’t ibang kompanyang nangangalaga sa kaligtasan ng mga seaman sa loob at labas ng bansa lalo sa bansang Germany, na base at sentro ng komapnya.
Natalakay din ang kasalukuyang situwasyon ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng adminitrasyon ng Pangulong Duterte.
Ang mga estratehiyang ipinapatupad para sa seguridad at kaligtasan ng mga seaman habang sila ay nasa laot at ang paghahanda sa makabagong henerasyon partikular sa global world ng mga seman.
Tiniyak ng Dohle na kanilang sisiguruhin na mapapangalagaan ang mga nararapat at sapat na benepisyo ng mga seaman.
( NIÑO ACLAN )