INIUTOS ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang mahigipit na pagpapatupad ng City Environmental Management Office ang Panlungsod na Ordinansa 0503 ng taon 2013, na ipinagbabawal ang paggamit ng plastic bags sa mga tindahan sa buong Caloocan
Bilang pagtalima kay Malapitan, hinihikayat ni Engr. Gilberto Bernardo, hepe ng CEMO, iwasan gumamit ng plastic bags lalo ang maliliit na tindahan.
Nabigyan na aniya nang hustong haba ng panahon simula ng i-patupad ang naturang ordinansa.
Sa kasalukuyan, may may ipinatutupad ang pamahalaang lungsod na pagbabawal sa paggamit ng plastic bags o mga non-biodegradable bags ng mga negos-yo sa lungsod gaya ng mga grocery, supermarket, restaurant, fastfood, department store, sari-sari store at iba pang kahalintulad na establisimiyento.
Nakasaad dito, pagmumultahin ang mga negosyante ng P1,000 para sa unang paglabag; P3,000 sa ikalawang paglabag; at P5,000 at kanselasyon ng business permit sa hindi bababa sa isang taon, sa ikatlong paglabag.
Ayon kay Bernardo, malaking kabawasan sa nagiging sanhi na pagbabaha sa iba’t ibang lugar, ang hindi paggamit ng plastic.
“Itong mga basurang plastic ang isa sa sakit ng ulo hindi lamang sa Caloocan, kundi maging sa ibang mga kalunsuran.”
Ang Ordinansa ay ipinasa noong pang 2013 at iniakda ni City Councilor Carmelo Africa.
Hinihikayat din ni Bernardo ang tamang pagtatapon ng basura sa tamang oras at sa tamang lugar.
( JUN DAVID )