Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Project Tokbuk inilunsad sa Valenzuela (Para sa OSY)

INILUNSAD ng pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang “Project Tokbuk,” naglalayong matulungan ang out-of-school youths na makabalik sa paaralan o makakuha ng vocational couse na naaayon sa kanilang interest o kasalukuyang hanapbuhay.

Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, layon ng kanyang administrasyon na mapabuti ang estado ng buhay ng mga Valenzuelano na hindi na nagsisipag-aral, na matulungan ng proyektong “Education 360 Invest Program”.

Sinabi ni Gatchalian, na-inspire siya sa Oplan Tokhang ng pamahalaan kaya inilunsad ang Project Tokbuk na naglalayong manghikayat sa mga kabataan hanggang edad 24 na sumailalim sa programang ito.

Layunin ng programa na hikayatin ang mga OSY na hindi nakatapos ng haiskul, na magpatala at magpa-evaluate upang makakuha ng Alternative Learning System o ALS sa ilalim ng programa ng Department of Education.

Samantala, ang mga nakatapos sa haiskul at hindi nakatuntong sa kolehiyo ay maaaring kumuha ng kursong vocational na naaayon sa kanilang interest o upang palawigin ang kaalaman sa kasaluku-yang hanapbuhay.

Positibo ang punong lungsod na maaabot nila ang target nilang bilang ng mga OSY sa pamamagitan ng mascot na si Tokbuk na kasama ng grupo na unang nagtungo sa Brgy. Canumay East

“I am optimistic that Education 360 will be another successful project for Valenzuela OSYs.”

Base sa 2013 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS) na inilabas ng Philippine Statistics Authority noong nakaraang taon, ang bilang ng mga OSY – edad anim hanggang 24 – sa bansa ay apat milyon mula sa kabuuang 36 mil-yong populasyon ng mga kabataan.

( JUN DAVID )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …